KRISTINE HERMOSA: DARLING DEBUTANTE
STM Sept 20, 2001
Bukambibig ngayon ng marami ang pangalang Yna, ang karakter na
ginagampanan ni Kristine Hermosa sa number one drama series ng bansa,
ang Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN 2. Kaya naman hindi kataka-taka kung
itinuturing na rin siyang drama princess sa telebisyon.
Pero alam ba ninyong hindi pinangarap ni Kristine na maging artista
noong maliit pa siya? Sinamahan lang niya ang kanyang ate Kathleen
para mag-audition sa Channel 2 pero dahil sa taglay na ganda ng young
actress, siya ang nabigyan ng pagkakataon sa higanteng network at doon
na nagsimula ang malaking pagbabago sa kanyang buhay.
Kristine Hermosa Orille ang tunay niyang pangalan, ang bunga ng
pagmamahalan ng kanyang mga magulang na sina Ma. Alma at Maximillan
Hermosa Orille. Siya ang ikalawa sa apat na magkakapatid. Pagkatapos
ng kanilang panganay na si Kathleen, siya ang sumunod, tapos ay sina
Isabel at ang bunso and only boy na si Joshua Miguel.
Si Tin-tin (nickname ni Kristine) ay isinilang sa Quezon City noong
September 9, 1983. Nag-aral ng elementarya sa Collegio de San Pedro at
high school sa St. Anthony, tapos ay nag-DLC (Distant Learning Center)
ng ABS-CBN.
Ani Kristine, isa siyang simpleng tao, sweet, romantic at sobrang
emotional. Hilig niya ang magsulat. “Dumating sa point na
nagsusulat na ako ng poems, and minsan ay nagpe-paint din ako. Hindi
magaling na magaling, hobby lang. Parang Si Yna (karakter niya sa
Pangako...) nag-i-sketch, nagpe-paint paminsan-minsan. Tina-try ko pa
rin ‘yung luck ko dito. Ano pa ba? Bowling, naglalaro ako nito,” panimula
ng magandang aktres na signature model ng Street Jeans, Maxi-Peel
Expoliant at Illustrazio Bags.
At kung walang trabaho o taping si Kristine, “Usually,
nagigising ako late na kapag walang trabaho. Kasi, ‘yun lang ‘yung
nakakabawi ako. Sa normal routine ko, nakakasingit akong mag-gym kapag
walang trabaho, nagpupunta ako sa spa, pam mag-gym nga at magpa-body
massage. Then, nagpupuntang parlor, magpapa-treatment, hair treatment.
Sometimes, nagpupunta din ako sa derma.”
Nag-flash back muna kami sa kanyang unang pagsabak sa masaya ngunit
maintrigang mundo ng showbiz. "Hindi po, hindi po talaga.
Yung sister ko talaga ang gustong mag-artista, si Kathleen,”
nakangiting esplika ni Kristine sa tanong kung pangarap niyang maging
artista noong rnaliit pa. “Late 1995 iyon, 12 years old ako.
Although hindi ko balak rnag-artista, nang-nag-audition ang ate ko sa
Ang TV, may mga tao doon na nagkumbinsi sa akin na sumubok din akong
mag-audition. Sabi nila ay titingnan lang ako sa monitor. Sabi ko,
titingnan lang ha at hindi ako papakantahin, kakausapin or whatever
ha?’
“So, nang sumama na ako, ‘yun, tinawag ako ni Mister M
(Johnny Manahan), kinausap niya ako at tinanong kung marunong akong
sumayaw, umarte at kumanta, and sabi ko 'hindi’, lahat ay hindi ang
sagot ko. And sabi niya, we’ll just call you...after three months ay
tinawagan na nila ako at doon na nagsimula ang lahat. Magte-taping
na raw ako for Ang TV nagulat nga ako at ‘yun na."
lyon ang nangyari. Pero after that sumunod din siya (Kathleen) sa akin
sa Ang TV. Hindi, nauna muna siya sa That’s Entertainment. Pero
sandali lang, siguro mga one month lang. Tapos ay pumasok na rin siya
sa Ang TV, pero that time, nakapasok na ako doon.
“So, first TV show ko ay Ang TV, first movie ay Okey Si Ma'am,
pero hindi iyon under Star Cinema. Ang unang ka-love team ko naman ay
si Baron (Geisler),” mahabang pagbabalik-tanaw ng aktres na
magiging isang ganap nang dalaga sa September 9 sa pamamagitan ng
kanyang marangyang debut party na gagañapin sa main lounge ng Manila
Polo Club, Forbes Park, Makati City. Kung bibigyan ng pagkakataon,
nais pa ring bumalik ni Kristinê sa pag-aaral at nais niyang kumuha
ng kursong Mass Communication. Pangarap rin niyang makakuha ng award.
“Well, lahat naman po kasi ng artista ay nangangarap na
magkaroon ng award, ‘di ba? lyon lang p0, as long as magkaroon ako
ng award, feeling fulfilled na ako. Parang, wow! Ganoon ang
feeling.” Paborito niyang artista sina Sharon Cuneta,
Richard Gomez, at Jericho Rosales bagama’t inamin ng dalaga na wala
siyang aktres na gustong sundan ng yapak dahil nais niyang magkaroon
ng sariling identity. Ang hindi niya malilimutang karanansan sa
showbiz ay nang mapasali siya sa Sa Sandaling Kailangan Mo Ako.
Itinuturing niya kasing biggest break ang pagkakasama niya rito at ang
second biggest break naman niya ay ang Pangako...
“Actually, malaki ang pagbabagong ginawa ng Pangako... sa
buhay ko. Kaya maligayang-maligaya ako. Last year kasi ay parang gusto
ko nang. mag-quit sa showbiz, siguro, last year o last- last year pa
iyon. Halos kaka-start ko pa lang, that was a long-long time ago.
Medyo kinakabahan ako, siguro ay dala rin ng kaba, kaya medyo hindi pa
àko okey noon. I mean, hindi ko pa alam talaga ang gagawin ko pero
ngayon, sobrang masaya na ako, I won’t quit na. And since happy ako
sa nangyayari sa career ko, and happy ako sa trabaho ko, I mean, kung
kailan ko pa natanggap ng buong-buo, at saka pa ba ako aalis? Okey na
ako na ganito,” giit pa ng batang aktres.
Idinagdag pa ni Kristine na marami siyang magandang natutunan sa
showbiz. "Maramlng advantages, maraming disadvantages...
marami akong na-meet na people rito, dito ako natutong maging strong,
dito ako nag-mature, dito ko nakita sa showbiz ‘yung real world.
Kasi, ako ‘yung taong ang akala noon, ang buhay ay parang fairy
tales, you know what I mean... So, ngayon, dito ko nakita iyong real
world and marami akong natutunan talaga. Dito ko na nanaranasan iyong
pagod, ‘yung sarap, ‘yung saya, ‘yung lungkot...lahat na,”
masayang pagtatapos as ni Tintin.