WELL, ako kasi, noong bata pa ‘ko, ako ‘yung type of girl na sobrang tahimik. Nagi-smile lang ako. Smiling face daw ako noong bata pa ko. Napaka-jolly na napaka-naive talaga. Siyempre, habang lumalaki ako, nagbabago, pero mahiyain pa rin ako.

Sa Manila ako lumaki, paminsan-minsan, umuuwi kami sa province sa Masbate. Sobrang simple lang ang buhay ko. First school ko noon sa Quirino, tapos, nag-Colegio de San Pedro ko noong nasa Laguna na kami. Then, nag-aral din ako sa St. Anthony noong nasa Manila na kami hanggang first year. Second year ako, dito na sa DLC. Homebody lang ako, hindi ako ‘yung nakikipaglaro sa labas ng bahay kahit sa village kaya hindi ako gaanong nahihirapang mag-adjust.

Iyakin ako... I don’t know, pero, parang ganoon talaga ang personality ko, masyadong emotional. May magsabi lang sa akin, dinadamdam ko na. Pero siguro, kahit papaano, natutuhan ko na ring tanggapin na hindi talaga pare-pareho ang mga tao. At saka siguro, nagma-mature na rin ako.

Sa showhiz, wala akong koneksiyon. Kahit na sinong relatives. Nakita lang talaga namin ng sister ko, si Kathleen na nag-flash sa TV na may audition for Ang TV. That time, I was eleven. Ako, wala talaga ‘kong kaalam-alam diyan. Si Ate talaga ang may hug. Si Ate, nagpasama lang siya sa akin, so, ako naman, sasamahan ko lang siya. Pero ako ang natanggap, hindi siya. So, siyempre kahit papaano, nasaktan din siya roon. Pero ‘yung pang-third time niya ng audition, natanggap na siya.

Pero kami ng ate ko, naiintindihan naman niya na hindi ko naman talaga gusto. At saka, ate ko naman siya. Tapos, nagustuhan ko na rin ang showbiz at saka, nagkakaroon na rin ako ng idea kung ano talaga ang buhay.

Ngayon, natutuwa naman ako sa nangyayari sa career ko, kasi mula noong 1995, wala amang gaanong nangyayari sa career ko. At least ngayon, nabibigyan na rin ako ng break. Natutuwa na rin ako na sa kabila ng hirap na pinagdaanan ko, naranasan ko ‘yung mga ‘yun, hindi pa rin ako nag-stop. At saka, before, naranasan ko rin yung parang ang darning naiinggit, may mga naninira. Nasa Ang TV pa lang ako, eh, kahit ‘yung mga nanay-nanay. Ngayon natutunan ko na, parang hindi ko na lang pinapansin, sinasabi ko na lang, kawawa naman sila.

Dati kasi, hindi ko talaga alam ang kalakaran sa showbiz, feeling ko kasi noon, ang showbiz, parang in real life na totoo ang mga tao. Parang ang feeling ko, lahat totoo, kaya kapag may nagsabi sa akin, dinadamdam ko kaagad. Eh, natural lang pala ‘yun sa showbizness.

Never kong naging dream na maging artista. Matagal pa bago ko talaga nagustuhan, siguro lately lang, ngayong nabibigyan na ako ng break. ‘Yung mga kasabayan ko na halos nauna nang nabigyan ng break sa akin, hindi ako naiinggit, hindi kasi ako ganoon. Parang natutuwa ako sa kanila, ‘yuug buti pa sila. Ganoon lang... Ako kasi, kung anuman ang ibigay sa akin ni Lord masaya na ko, kuntento na ko. Hindi ako nagbahangad nang mataas na tipong kailangan, magka-award ako.

Kung rnagkaroon, thank you, kasi ibinigay ko naman ang best ko. Basta ako, ibinibigay ko na lang ang best ko sa lahat-lahat ng ginagawa ko. Sa Sandaling kailangan Mo Ako, malaki ang pasasalamat ko kasi, diyan talaga ako nabigyan ng magandang role. Parang doon nakita ng mga taong nakakaarte rin pala ako.

Ngayon, wala na ang SSK, siyempre, nakakalungkot. Halos one year na kaming nagkakasama, tapos, mawawala, so, mami-miss ko talaga ‘yun nang todo. At saka, doon ako nakilala na heto si Kristine, may potensiyal din pala. Before kasi, naririnig ko lang, may potensiyal ‘yan, may potensiyal, pero, hindi ko naman naipapakita.

So, ngayon, kahit papaano, may napatunayan na ‘ko. Ngayon, sabi naman ng Talent Center, may mga plano pa rin sila sa akin. Pero siyempre, hindi naman ako mage-expect na matutuloy lahat ng plano.

Sa ngayon, gusto kong makilala as Kristlne Hermosa na very simple, humble. Kung ano ang personality ko, sana ‘yun ang makita niia. As an actress, gusto ko ring makilala as a drama actress. Pero siyempre, hindi rin naman puwedeng straight drama dahil sa Richard Loves Lucy, comedy naman doon.

About my family naman, napakasimple lang namin. Palagi ko ngang naririnig na totoo naman dahil maraming nakakapansin na ‘yung family raw namin, sobrang maawain. Simple lang kami, kapag nasa loob ng family, walang showbiz. Sa trabaho lang ‘yun. Minsan, may away-away din, pero, simple tang talaga. 

Sa parents ko, open kami. Open ako sa dad ko, open ako sa mommy ko. Kung ayaw namin, sasabihin namin. At saka, ‘yun din ang nakakaganda ng relationship namin At saka aware ang mga tao sa bahay ng napi-feel namin, especially when it comes to emotions.

At saka, masuwerte rim ako dahil buo ‘yung family ko. That’s one thing I’m proud of. Sa mga kapatid ko, kilala nila ‘ko. Lalo na si Ate, kapag alam niyang mainit ang ubo ko, ayoko ng kinukulit. Eh, si Ate makulit ‘yan, kapag nangulit, talagang super-kulit. Kaya kapag alam niyang mainit ang ubo ko, laiabas na lang ‘yan ng room. Ganoon din naman ako sa kanya.

At saka, nandoon aug suportahan namin. Minsan, kapag may taping siya at kilala ko ang director, sasamahan ko siya. Ako rin ganoon, minsan, nagpapasama ako sa kanya.

Sa bahay, ‘pag nasa mood akong tumulong sa bahay at maraming ginagawa ang iba, ako ang naghuhugas ng plato. Pero paminsan-minsan lang din. Minsan naman, nagwawalis ako, naglilinis ng bahay, minsan sinasabihan ako na, himala!

Sa lovelife, open na ‘ko, aware na ‘ko sa lahat ng lalaki, sa mga pambobola nila. Kaya kapag may nambobola, sinasabihan ko na lang ng, talaga ha? Eh, kasi minsan, sino na naman ang maniniwala? Pare-pareho lang naman.

Siyempre, hindi naman natin maiiwasan ang ma-in love. Akoo ako kasi ‘yung parsing himli pa ako nagtitiwala. Parang kapag ma in-love ako sobra-sobra, sobrang tiwala rin. Hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend, parang M.U.-M.U lang.

May mga nali-link sa akin, like si Mo (Twister), best friend ko lang talaga siya. Nakita ko sa kanya ‘yung kuya. At saka si Mo, matured na kasi siya, nakita ko sa kanya ‘yung nasasabihan ko, may sense of humor kapag kausap.

With Marvin (Agustin) naman, masyado lang talagang nami-mis-interpret ng mga tao. Kasi palagi kaming magkasama, sa taping halos thrice a week, magkasama kami. So, nami-misinterpret lang talaga ng mga tao. Si Onemig (Bondoc), wala...wala naman talaga.

Sa mga suitor, okey lang. Kung gusto nila ‘kong puntahan, puwede silang pumunta sa bahay. Pero hindi ko pa nararanasang mag-date na ako lang at saka ‘yung guy. Minsan, kung gusto nilang lumabas, kasama ko ang dad ko.

Siyempre, hindi naman ako papayagang sumakay sa kotse ng guy. Kung sasakay man ako, kasama ang mom ko. Siya ‘yung nasa harapan at ako ‘yung nasa likuran.

Gusto ko sa guy ‘yung simple, understanding at matured. Siyempre, gusto ko ‘yung mamahalin ako. ‘Yung may breeding. Para sa akin, maipakita lang nilang sincere sila at totoo sila sa nararamdaman nila. In general naman, sa mga guys, kapag nakasundo kita. Kasi ako, paiikutin kita, tapos, kung pare-pareho ang sinasabi mo at napapatawa mo ‘ko, okey. Kasi ako, hindi naman ako mahirap makasundo.

I think, I’m not with my age. I think, more than sixteen pa ‘ko. Kasi ‘yung iba siguro, hindi pa talaga alam ang life. Eh, ako, more or less, alam ko na ang life. Konti na lang siguro, yung pagtanda ko at mas marami pang experiences.

Sa ngayon, I know life, marami na kong na-meet na iba’t ibang klase na tao, about my works. Sa ibang sixteen years old, hindi pa sila ganoon ka-expose. Kasi ako, everything na ma-encounter ko, pinag-iisipan ko. At doon siguro ‘ko natuto.

Siguro, puwede kong sabihing mis-interpreted lang ako kapag may nagsasabing suplada ‘ko, mataray. Kasi ‘yung totoong Kristine, mahiyain talaga. Friendly naman ako, hindi lang siguro nila makuha kung papaano ‘ko i-approach. At hindi ko lang din siguro sila nakakausap.

Actually, marami ring fans ang nagsasabi sa akin na akala namin mataray ka, ‘yun pala, mabait ka! So, natutuwa naman ako, sinasabi ko sa kanila na mabuti naman at nakausap n’yo ‘ko, nabigyan n’yo ‘ko ng chance to express myself.

Minsan kasi, kapag hindi ako ngumingiti, akala, mataray us. Hindi talaga... hindi talsga ‘ko ganoon. Actually, noong bats ako, aug tawag pa nga sa akin, Ms. Friendly. Nabago lang ang dating ngayon, maybe because of my face na mukha lang mataray.

Well, nagte-thank you ako sa lahat ng mga tao, ma lahat ng mga taong naniniwala sa akin. Sana, dumating ‘yung time us stable us ‘ko. Sana dumating ‘yung time na hindi ko na kailangang i-explain sa mga tao na ganito ‘ko, na ganito ko... Sana, may magsasabi na ng ah, si Kristine, ganyan lang ‘yan. Sana makita nila ‘yung bright side.

At sana, mabigyan ako ng chance na mai-express ko ang self ko. At sana, more freedom.

PSY MB | Jericho & Kristine MB | WWW

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com