
|
Young Echo in his
mom's words...
"Si Jericho kasi, noong
maliit pa lang, likas na talagang tahimik. Palaging nakakulong at
palaging nag-iisip gayong ang bata-bata pa lang naman. Kaya sabi
ko nga noon, bakit ganito ang batang ito? Sa bintana siya palagi,
nakapangalumbaba lang. Kaya sabi ko nga, eh, kung ano talaga ang
ugali noong bata, ganoon din kapag lumalaki na."
"Ang natatandaan ko pa kay Jericho noon, mahilig siya sa
bola. 'Yung mga laruan niya noong bata pa siya, buhay pa rin
hanggang ngayon. 'Yung mga lego niya noon, sabi nga niya, itabi ko
raw, 'yung iba, naipamigay na."
"Hindi ko naman nakikitaan si Jericho na mag-aartista pala.
Basta 'yan, mahilig sa TV. Ang kausap niya, palaging TV. Ang tawag
ko sa kanya noon, dahil Bicolana akong talaga, Bondying."
"Saka, masakitin si Jericho noong bata pa. Madali siyang
lagnatin at trangkasuhin. Talagang tahimik lnag, 'yun ang
natatandaan ko sa kanya. Hindi nga siya naglalabas. TV lang ang
mundo niya."
"At saka, kapag mayroong may birthday, ako or ang lola niya,
nag-iipon 'yan sa baon niya at saka siya bibili ng regalo."
- Mrs. Rose Vibar
|