People's Journal
Sunday, June 3, 2001
(Title unrelated)
by Eric John Salut
Special treatment pa rin ang ipinapakita ni Jericho Rosales kay
Kristine Hermosa. Ayaw lagyan ni Kristine ng malisya ang gesture ni
Jericho dahil aniya, dati nang malambing si Jericho.
"Mas extra sweet lang siya ngayon. Mas maasikaso. Mas comfortable
siyang ginagawa 'yun," sabi ng magandang aktres na bida ng
top-rating drama series Panagako Sa 'Yo.
Nananatiling best of friends pa rin sina Kristine at
Jericho. Ayaw isipin ni Kristine na nagsimula nang manligaw sa kanya
ang kanyang ka-love team. Mas gusto na raw niya ang special friendship
nilang dalawa ni Jericho. Sa September pa magi-eighteen si Kristine.
Hihintayin na lang daw niya ang
tamang age para mag-entertain ng manliligaw. She promised her parents
na hindi muna siya magbu-boyfriend until she reaches 18. Bongga ang
debut party na inihahanda ng parents ni Kristine para sa kanya.
transcribed by: happy girl
~ e n d ~