JERICHO ROSALES: PICTURE PERFECT
HIS JOURNEY IN LIFE
by Rgee Gaspar
Teenstars, 8/1/01
Whatever one is getting into, it surely has something to do with or
an extension of his personality.
Recently, JERICHO ROSALES is into photography. This is what he’s
doing when he’s not busy with his telenovela Pangako Sa ‘Yo.
Not only his face, Jericho’s life is a very good subject for the
lens, being colorful and snappy.
Using photographic terms, we try to deal with the parts of the
actor’s long journey to where he is now. Then, let’s figure it
out if indeed it is a good subject to talk about just like the
landscape is captured by the camera’s lens.
Underlight
"When we say undèrlight ‘yung picture, hindi kita ang
details. I think, marami ako niyan. Siguro, ‘yung perseverance ko
noon to make my family one again and ‘yung time na I was really
trying my best to be with my aaa. Na sana magkasama kaming one big
happy family.
“‘Yung naging hardships ko before I became Jericho Rosales, the
actor. All these were mga bagay na kahit na medyo nasa dilim ako
noon, eh, nakatulong naman sa akin somehow. Although, siguro, given
another pose ay hindi ko ‘yun gagawin kasi ang hirap noon. Sana
nga, huwag na lang tayong durnaan sa ganoon, pero kailamgan, eh.”
Against the light
“Against the light siguro a o noon at nakatalikod talaga sa ilaw
nu’ng time na I almost thought of quitting showbiz. Ang feeling ko
kasi noon parang ang tagal ko nang naghihintay, pero ang daming
nauuna sa akin. Noon talaga, nandoon ako sa point na sabi ko sa
sarili ko, ‘eto, ‘pag wala pa talagang nangyari, goodbye showbiz
na ako.’
“Until ako na rin mismo ay napaisip, bakit nga ba kailangan kong
magmadali? Marami nga riyan, nauna pa sa akin pero, okey lang sa
kanilang maghintay so, bakit ako aatras? So, bumalik ako sa senses
kong parang sige, willing akong maghintay. Sana lang, mapansin na
ako. Then, things happened.
“Kahit ngayon, may mga ganyan pa rin akong feeling na parang
sumusuko ako kung minsan. Parang ang feeling ko, kailan kaya
matatapos ito? Tao lang din naman kasi ako na napapagod. Minsan kasi
we’re taping how many scenes in a day, as in, super dami. Sumusuko
na ang katawan ko minsan kapag halos wala na akong pahinga. Minsan
kulang na ang oras mo pati sa sarili mo pero, naiisip ko rin naman
noong wala akong ginagawa, nagrereklamo ako, ngayong eto at kahit
paano, ay may trabaho ako nagrereklamo pa rin ako. At saka, ‘pag
nakikita rno naman ‘yung nagiging bunga ng ginagawa mo ay
nakakawala ng pagod, nandoon na ‘yung consolation?
Over ExPosUre
“‘Yung over exposure, ano yan sa sobrang ilaw naman, nasusunog
ang negatives nu’ng object na kinunan. Palagay ko, ang over
exposure lang naman naming mga artista ay ‘yung ‘pag nasa
showbiz ka, parang kahit na anong maliit na bagay na ginagawa mo,
napapalaki ng media. Na kami lagi ‘yung nasa mata ng tao. Over
exposure, parang hindi ako guilty diyan ngayon kasi, halos wala na
nga akong time para magpahinga kaya hindi ako madalas makita kung
saan-saan.”
Sharp and Silky
“Ngayon siguro, ang masasabi ko lang, kahit paano eh, sharp and
silky ‘yung takbo ng career ko. Alam kong malayo pa ako sa
pagiging ganoon kasikat at kahusay, pero at least, kahit paano
napapasaya ko ‘yung mga nanonood ng Pangako... at ng iba pang
palabas na kasama ako. Kahit paano, hindi ako hirap sa buhay ko
ngayon dahil kumikita ako kahit paano. Nabibili ko ‘yung mga
maliliit na bagay na pinangarap ko noon na hindi pa ako artista.
“Sana, in the future, eh, sharp and silky din ang maging lovelife
ko pero ngayon ay career muna. Ito muna ang pinagtutuunan ko ng oras
kasi, sa takbo ng trabaho ko, magrereklamo lang ang magiging
girlfriend ko, baka ma-over exposed rin, sayang lang?
Snap shot
“Wala yatang snap shot, kasi ‘pag sinabi mong snap shot, walang
preparation, candid. Eh,lahat ng nangyayari ngayon sa akin, l worked
hard for it. Siguro, kung mayroon man, ‘yun, yung sa Hunks.
Actually, hindi namin ináasahang ganoon kadali na magiging
bukambibig ‘yung grupo. Kumbaga, maganda ang dating ng grupo.
Nakakatuwa nga kasi, sa A SAP, makikita mo na talagang may dating
‘yung Hunks at thankful ako do’ n.”
Picture Perfect
“‘Yung picture perfect, sà picture lang talaga yun. Wala namang
buhay na walang complications. Parang mas gusto ko ang buhay na
kahit paano may mga problema kahit na kaunti. Huwag naman ‘yung
mabigat na mabigat, ‘yung kaya ko lang. Kasi, parang wala namang
thrill ‘yung buhay na nandiyan nang lahat, wala ka nang gagawin.
Parang ang boring naman noon.
“Ako kasi, naniniwala akong kung anuman ang mga naging problema
natin noong mga nakaraan, eh, pagsubok’yun para maging mas matibay
at matapang tayo sa buhay.
“Kung wala kang na-encounter na mahirap at masakit, lampa ka kasi
hindi mo natikman na masaktan. So, sa akin, huwag naman ‘yung
super-picture perfect, semi lang siguro. Kung bibigyan ako ng choice
between picture perfect na buhay at ‘yung medyo mahirap, eh, doon
ako sa second choice?
Life is what you make it. Hindi madali ang mga pinagdaanan ni
Jericho, but underlight, over exposed or against the light, there is
always time to correct all these things. And truly, we can say the
actor has come in front of the camera and flashed his sweetest
smile. After all, he became
victorious in the end.
Now, say cheese while reading this cute article!
~ e n d ~