JERICHO, LEADING MAN
by Cecille Matutina
Star Studio, April 2001

echo06_2.jpg (33630 bytes) echo06_1.jpg (56039 bytes) echo06_3.jpg (57291 bytes) echo06_4.jpg (63316 bytes) echo06_5.jpg (58319 bytes)


ONE day, Jericho Rosales was one out of many --then overnight, it seems, he just started oozing with pogi points and sex appeal. One day he was just some wannabe star -and then suddenly he started getting fantastic roles and critical acclaim. If he were to tell us that he met a genie and simply wished for stardom, we are inclined to believe him because of the swiftness and certainty of his rise.

In the last quarter of 2000, Jericho could do no wrong. His defining Rommel in Tanging Yaman got him rave reviews; and his angst-ridden Angelo in Pan gako Sa Yo made him a household name. His is a career and reputation so solid that not even the nastiest stories about his personal life can bring him down.

Here, Jericho shares with us his shock and reluctance over being called a star (‘Being matinee idol is too tiring.”), his secret for surviving intrigue (‘All you need is a person na matino to talk to.”), and how he keeps his feet on the ground (‘When I pray, lagi kong sinasabi, kung papalakihin nito ang ulo ko, kunin Mo na... kahit gaano kalaking project.”). 

How do you feel about being the leading leading man now?

Siyempre exciting. Before naman ang goal ko lang mga character roles. Yung hindi pang-bida, hindi leading man. Ang ultimate talaga for me yung ginagawa ng mga character actors. Yung makagawa ako ng isang eccentric na role na talagang pagtri-tripan ko nang husto. Pero ito (matinee idol, leading man status) OK din I’m happy kasi pag leading man, ang focus sa iyo.

It’s hard coz of all the papogi, porma — I’m not used to that eh. Being a matinee idol is so tiring. All the responsibilities actually. Hindi naman sa ako tamad, but I have to work out, stuff like that, kasi good looking dapat ang leading men eh. Eh kung kontrabida pwedeng... low maintainance.

Sa tipo ko OK na akong darating na naka-jeans, cowboy ako, kung anuman yung trip ko. Ako yung tipo ng tao na minsan di nila ma-gets kung ano ang trip. Hindi naman yung pangit, pero hindi yung typical leading man na yung looks eh... neat, nasa uso...

Grabe daw ang tulong ng daily soap? Like Pangako? They say when you are able to pull off a daily drama series, that’s when you become a legitimate star.

Oo naman. Example na lang yung sa Esperanza — tawag sa akin ng tao, Buboy. Nung nawala ang Esperanza, nawala rin yung tawag sa akin na yun. (Jericho ulit). Then came Pangako sa Yo, balik na.. mapapansin mo kaagad household name ka kaagad, parang everyday nakikita ka nila, so in public Angelo ang tawag sa akin."

How do you feel about all the good reviews for your performance in Tanging Yaman -considering that it was such a big cast and that every single one was a good actor!

"Sarap nga eh. Sana I get nominated again. Ang gulo ng feeling eh. Hindi mo akalain, hindi in-expect... I’m happy talaga kasi, una, nasama na nga ako sa pelikulang maganda, pangalawa, napansin pa ako. Ibig sabihin, trip ko talaga yung ginawa ko."

Dekada 70 with Vilma Santos and Boyet de Leon would have been a great follow up. How do you feel having to beg off from such a great project?

Ya, I’m out na. Piolo replaced me. I felt... lahat naramdaman ko. Nanghihinayang siyempre. Pero naniniwala ako — kung may nawala na isa, may papalit na iba. Pag hindi uukol, hindi para sa iyo. Eh I have Pangako, I would just... mapapagod lang ako, baka hindi ako maging effective doon. Pero kung nakuha ko yon, gagawin ko talaga yon. Pero may purpose yon siguro, ba't nawala sa akin. Well, si Piolo naman ang pumalit sa akin--I'm happy it’s Piolo.

In person you seem like this happy-go-lucky surfer dude. But onscreen you can dish out the most believable pain. Where does the drama come from — is it from the sadness in your life?

No. Natututunan mo yun eh. Hindi naman it follows yun eh. Kung halimbawa nag-start ako, comedy pinasukan ko, hindi mo naman itatanong kung nakakatawa ba ang buhay ko. Depende sa trip yun eh. Sa drama, masaya ako don, nakita ko ang mundo ko don. Make-believe pero may nakikita kang reality don.

And it’s not just me — credit the scriptwriters kasi natural and believable yung mga salita na lumalabas sa akin. Yung direktor din — siyempre sila yung nagsasabi kung ano dapat ang gawin. It’s not just, ay malungkot ang buhay ko kaya nakakapag-drama ako.

Kailan ka pa naging singer?

"Wish ko talaga yan nung bagong taon — magka-album. Nagbibiro lang ako. Pag tinatanong ako ng New Year’s wish, nagpapatawa lang ako pag sinasabi kong gusto ko maging singer... magka-album. I like singing talaga. Nung una akong nag-auditon sa ... (Mr. Pogi) ... kumakanta ako noon. Pinagtripan ko lang yung maging singer.

What is your attitude about your, er, singing career?

Happy lang. Trip ba! Pero pinagtratrabahuan. Pinagbubutihan ko ito. Hindi ako nagpapa-ghost singer sa ASAP or kahit saan. Gusto ko ako talaga lahat.

I make it a point na humihingi talaga ako ng live para ma-practice ko, para magkaroon ako ng confidence, para mawala yung hiya-hiya ko. Meron na kaming boy band (laughs) kami nina Diether, nina Bernard, Piolo... meron kaming mga campus tour. Hopefully magka-album kami. (laughs)

Ano ang trip mong kanta?

OK ako kahit saan — rock, ballad, hindi ako nagsi-stick sa isang music. BUT... hindi masyadong hiphop. Walang rap. Rag rap, something meaningful, something masarap sa tenga, yung cool. Ayoko nung ... OA na rap na sobrang rappers lang ang makaka-intindi. Kumbaga underground music. Kumbaga, kung metal ka na underground, hindi ko masyadong trip yon eh. Limp Bizkit, OK ako sa kanila. Yung mga sobrang lalim na, parang mga asong nagsasalita na, hindi ko na gusto yon.

When you were starting, ang daming nagsasabi na bagay ka sa action, because you’re tall, medyo rough ang dating...

Oo, gustong gusto kong mag-action. Sinasabi k0 nga sa mga directors na i-cast ako, sana makagawa naman ako ng action. Talagang gusto k mag-action. Action-drama... Yung cool na action — hindi yung traditional. Something deep at misteryoso... basta, iba ang dating. Mas bata, mas radikal, mas mapusok. Ibang klaseng action, ganoon.

What are your fears as far as your career is concerned?

Baka hanggang dito na lang yon —lahat naman ng artista may fear na ganoon. Ako takot ako kasi gustong gusto ko tong trabaho ko eh. So kailangan ingatan ko yung sarili ko, hindi ako pwedeng magkasakit, kasi para tuloy tuloy pa rin ako.

How do you keep your feet on the ground? How do you avoid getting swell-headed?

Friends. Ang dami dami kong IKaibigan na dati pa. Maging open lang, mag-accept ka ng mga sinasabi sa iyo — mali man o tama, pag-isipan mo pa rin.

What more do you want?

Bukod sa action at album? Marami pa! (laughs) Dapat triple A di ba...so acting. Isa pang matinding acting. Action, album... acting awards? (laughs) Isa pang matinding role sa pelikula. I want time. Gusto ko kung makakuha ako ng pelikula, yung dream ko talaga pag may project ako, I’ll have time to prepare, mag-aral para doon sa character, focus lang doon sa isang pelikula. Like, for a span of six months, isang pelikula lang. Doon ka na lang nakatutok... (Shifts tone, feigns crying) pero hindi pwede eh. Kailangan ko ng pera!

Maganda talaga yung year 2000 mo. With Pangako, Tanging Yaman, pero matitindi din yung mga intriga mo last year. Paano mo kaya na-survive?

One night parang napa-isip ako na, wow, ang tindi. Sobra yung pinagdadaanan ko talaga. Hindi lang sa trabaho, personal na buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko pinagdaanan yon. And I’m expecting more to come.

Ano ang process o ginagawa mo para hindi ka maapektuhan - lalo na yung work?

Actually minsan naaapektuhan yung trabaho ko. Nakakatakot di ba? Hindi mo maiwasan. Try to focus lang. Kailangan mo lang ng focus talaga. You just need someone to talk to. Ilabas mo — kahit kanino. Could be my Nanay Coney (Reyes of Munting Paraiso), directors, my real mom. So kailangan talaga ng taong makikinig sa iyo. All you need is a person na matino to talk to. And also... pray, always.

With other artists, pag na-intriga, negative na sa public. Their popularity suffers. How come in your case — you didn’t even deny or evade some of the damaging things said about you - but you’re still hot!

Ganito ang mindset ko: everything has a purpose. Kung anuman ang nangyayari sa buhay ko ngayon, may purpose yan. When I pray, lagi kong sinasabi, pag hindi ito angkop sa akin, kunin Mo na. Kung papalakihin nito ang ulo ko, kunin Mo na. Kung hindi maganda ang epekto nito sa akin, bawiin Mo sa akin kahit gaano kalaking project. Talagang I wish for it. Yung mga problemang dumarating sa akin, siguro swerte lang talaga.

What are your fans like? Bakit yung iba, pag na-negative na yung idol nila, ayaw na nila or turned off sila. Bakit ikaw, parang accepted ka ng fans mo kahit anong mangyari?

Ang ino-offer ko lang sa publiko is my work. I only tell them the truth. Hindi ako nang-i-impose. Hindi ako yung gaya ng iba na pag-pasok ng showbiz, kunwari ang linis-linis, ang bango-bango. I’m not perfect. I don’t hide from the public na galing ako sa ganito, galing ako sa ganyan. I’m not perfect. Kung ano yung trabaho ko. Nagkakamali din ako. Yun lang, hindi ko pinagtatanggol yung sarili ko. Bahala na silang mag-isip. Dumating na ang intriga sa akin, bahala kayong mag-isip. Ang no-offer ko lang yung trabaho ko. Wala akong kailangan patunayan sa tao. And I’m thankful. Ako yunq type na ma-appreciate ko yung support nyo, hindi ko kayo bina-bale wala. Pero wala akong ma-o-offer sa inyo kundi yung totoo lang. * —

~ e n d ~

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com