Make your own free website on Tripod.com

Coverage: MovieStars magazine

KRISTINE HERMOSA'S GRAND AND ELEGANT DEBUT
ni Regee Bonoan
Moviestar, Sept 18, 2001

debut03.jpg (99898 bytes) debut04.jpg (62777 bytes) debut05.jpg (38252 bytes) debut06.jpg (57676 bytes) jericho rosales & kristine hermosa
debut08.jpg (68517 bytes) debut09.jpg (36309 bytes) debut10.jpg (39641 bytes) debut11.jpg (29858 bytes) debut12.jpg (35842 bytes)
debut13.jpg (54362 bytes) debut14.jpg (65968 bytes) debut15.jpg (51726 bytes) debut16.jpg (61489 bytes) debut17.jpg (68019 bytes)
debut18.jpg (34530 bytes) debut19.jpg (28796 bytes) debut20.jpg (32439 bytes) debut22.jpg (37960 bytes) debut23.jpg (37915 bytes)

Eksaktong birthday ni KRISTINE HERMOSA ORILLE ginanap ang kanyang debut party sa main lounge ng Manila Polo Club sa Forbes Park, Makati City nu'ng September 9, 2001.

Alas Dos ng hapon ay naka-check in na si kristine sa Room 2101 ng Shangri-La Hotel sa Makati para doon magbihis. 

Personal siyang binihisan ng fashion designer na si RANDY ORTIZ at si ROMY TAN naman ang sa hair and make-up. Simple lang ang ayos ng buhok ni Kristine dahil itinaas ito, hinati sa gitna at saka nilagyan ng mga ipit na may batong Swarovski na mas lalong bumagay sa kasuotan niyang white gown na spaghetti strap na may mga design ding batong Swarovski.

Pababa pa lang ng hagdanan ng hotel si Kbristine ay nakuha na niya ang atensyon ng mga tao sa hotel dahil para siyang beauty queen kasama ang buong pamilya.

White Limousine ang naghatid kina Kristine at sa pamilya nito sa Manila Polo Club kung saan hinihintay na ang dalaga ng kanyang mga guests.

Eksaktong 7:45 dumating si Kristine at nilibot rnuna niyang isa-isa ang mga tables para batiin ang mga bisita. hang minuto lang ay dumating na ang kanyang escort na si JERICHO ROSALES na naka-black suit at white polo and necktie. lisa ang comment na narinig namin sa mga bisita, bagay na bagay daw sina Yna at Angelo.

Hindi halos magkandaugaga ang mga kumukuha ng videos at photographers sa pagkuha ng litrato sa dalawa na akala mo’y mga bagong kasal dahil sa kasuotan nilang puti. Maging ang five-layered fondant cake na gawa ni KENNY SISON ay pure white ang decoration with blue sapphire Swarovski stones design.

Eksaktong 8:40 nagkainan ang mga bisita habang hinihintay dumating ang mga kasama sa 18 roses and candles na pawang mga late kaya nag-umpisa ang seremonyas sa ganap nang 10 p.m.

Muting nagbihis si Kristine ng kanyang aqua blue gown na petty coat style at spaghetti strap din na mas lalong tumingkad dahil sa pagka-mestisahin niya.

Maraming di dumating sa mga 18 roses and candles, tulad nina MARK LAPID, DOMINIC OCHOA at ilang non-showbiz friends ni Tintin. Wala rin si VANESSA DEL BIANCO na ayon sa aming nalaman ay may lakad daw.

Very touching ang message ng mommy ALMA HERMOSA ORILLE ni Kristine dahil hindi raw niya sukat akalain na ang baby na inaalagaan lang niya 18 years ago ay dalagang-dalaga na at lumaking mabait at masunurin.

“I can’t imagine my daughter who is mahiyain before when she was just a kid is into showbiz na. Sana ay huwag kang magbago at parati kang maging mabait at masunurin, mahal na mahal ka naming lahat,” walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Kristine habang nagsasalita ang kanyang mommy Alma.

Maging ang ate KATHLEEN HERMOSA ni Kristine ay touching din ang message; “my baby sis, hope you won’t change. I’m still your ate at sana ‘wag mong pansinin ang mga negative comments sa atin, sana parati mo pa rin akong konsultahin kapag may problema ka.

“I love my sister very much, kung puwede nga lang ako ang mag-react sa mga negative write-ups niya, ginawa ko na. Ako mismo ang nasasaktan kapag may nababasa at naririnig ako against Tin. Di nila alam na sa akin humihingi ng pavo ‘yan. Kaya nga deadma na lang siya dahil ‘yun ang advise ko at ng parents namin.

“Like this debut party, ano’ng care nila kung gumastos si Tin, di naman siya nanghingi sa ibang tao?” esplika na ni Kathleen.

At si Jericho bilang escort ay, “grabe, ako ang ninenerbyos, ako ang kabado, ako ang di makatulog for Tin. It’s my first time to be an escort sa debut at sinuwerteng si Tin pa, e, labs ko ‘yang taong yan.

"Pinag-ipunan ko ‘tong suot ko. This is my first suit, it’s my first shoes, lahat bago para di naman ako alangan sa kanya. Excited ako, di ko nga alam ang gagawin ko." pagtatapat ni Echo na halatang first timer dahil naiiwanan siya minsan ni Kristine sa paglakad.

Well applauded sina PIOLO PASCUAL at Jericho habang isinasayaw ang dalaga at sa mga candle sponsors ay halos lahat pinalakpakan dahil karamihan sa kanila ay taga-Talent Center.

Mga non-showbiz friends ni Kristine ang karamihan sa mga dumalo at sa mga showbiz ay pawang mga kasamahan lang ni Tintin sa trabaho ang dumalo tulad nina Mr. RONALDO VALDEZ, EULA VALDEZ, EVANGELINE PASCUAL at ang bumubuo ng 18 roses and candles, director RORY QUINTOS, mga taga promo group ng ABS-CBN. Hindi dumating ang mga big bosses tulad nina Ms. CHARO SANTOS-CONCIO, Mr. FREDDIE GARCIA. Mr. JOHNNY MANAHAN na nakita ang pangalan sa lamesa.

Nagtataka ang mga ibang bisita kung bakit di dumating si Madame Claudia na si JEAN GARCIA, mukhang tinotoo raw ang pagiging kontrabida sa dalaga tulad ni Vanessa.

Sa disco dancing ay muling nagpalit si Kristine ng kanyang bluish gray gown at sumayaw ng konti habang ang First Circle band ang tumugtog buong gabi.

Masasabing 'simple’ lang ang debut party ng dalaga na siya niyang gustong mangyari. pero bumawi naman sa pagkain dahii masarap at talaga namang bongga.



~end~

 

 

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com