|
WELL, ako kasi,
noong bata pa ‘ko, ako ‘yung type of girl na sobrang tahimik.
Nagi-smile lang ako. Smiling face daw ako noong bata pa ko. Napaka-jolly
na napaka-naive talaga. Siyempre, habang lumalaki ako, nagbabago,
pero mahiyain pa rin ako.
Sa Manila ako lumaki, paminsan-minsan, umuuwi kami sa province sa
Masbate. Sobrang simple lang ang buhay ko. First school ko noon sa
Quirino, tapos, nag-Colegio de San Pedro ko noong nasa Laguna na
kami. Then, nag-aral din ako sa St. Anthony noong nasa Manila na
kami hanggang first year. Second year ako, dito na sa DLC.
Homebody lang ako, hindi ako ‘yung nakikipaglaro sa labas ng
bahay kahit sa village kaya hindi ako gaanong nahihirapang mag-adjust.
Iyakin ako... I don’t know, pero, parang ganoon talaga ang
personality ko, masyadong emotional. May magsabi lang sa akin,
dinadamdam ko na. Pero siguro, kahit papaano, natutuhan ko na ring
tanggapin na hindi talaga pare-pareho ang mga tao. At saka siguro,
nagma-mature na rin ako.
Sa showhiz, wala akong koneksiyon. Kahit na sinong relatives.
Nakita lang talaga namin ng sister ko, si Kathleen na nag-flash sa
TV na may audition for Ang TV. That time, I was eleven. Ako, wala
talaga ‘kong kaalam-alam diyan. Si Ate talaga ang may hug. Si
Ate, nagpasama lang siya sa akin, so, ako naman, sasamahan ko lang
siya. Pero ako ang natanggap, hindi siya. So, siyempre kahit
papaano, nasaktan din siya roon. Pero ‘yung pang-third time niya
ng audition, natanggap na siya.
Pero kami ng ate ko, naiintindihan naman niya na hindi ko naman
talaga gusto. At saka, ate ko naman siya. Tapos, nagustuhan ko na
rin ang showbiz at saka, nagkakaroon na rin ako ng idea kung ano
talaga ang buhay.
Ngayon, natutuwa naman ako sa nangyayari sa career ko, kasi mula
noong 1995, wala amang gaanong nangyayari sa career ko. At least
ngayon, nabibigyan na rin ako ng break. Natutuwa na rin ako na sa
kabila ng hirap na pinagdaanan ko, naranasan ko ‘yung mga
‘yun, hindi pa rin ako nag-stop. At saka, before, naranasan ko
rin yung parang ang darning naiinggit, may mga naninira. Nasa Ang
TV pa lang ako, eh, kahit ‘yung mga nanay-nanay. Ngayon
natutunan ko na, parang hindi ko na lang pinapansin, sinasabi ko
na lang, kawawa naman sila.
Dati kasi, hindi ko talaga alam ang kalakaran sa showbiz, feeling
ko kasi noon, ang showbiz, parang in real life na totoo ang mga
tao. Parang ang feeling ko, lahat totoo, kaya kapag may nagsabi sa
akin, dinadamdam ko kaagad. Eh, natural lang pala ‘yun sa
showbizness.
Never kong naging dream na maging artista. Matagal pa bago ko
talaga nagustuhan, siguro lately lang, ngayong nabibigyan na ako
ng break. ‘Yung mga kasabayan ko na halos nauna nang nabigyan ng
break sa akin, hindi ako naiinggit, hindi kasi ako ganoon. Parang
natutuwa ako sa kanila, ‘yuug buti pa sila. Ganoon lang... Ako
kasi, kung anuman ang ibigay sa akin ni Lord masaya na ko,
kuntento na ko. Hindi ako nagbahangad nang mataas na tipong
kailangan, magka-award ako.
Kung rnagkaroon, thank you, kasi ibinigay ko naman ang best ko.
Basta ako, ibinibigay ko na lang ang best ko sa lahat-lahat ng
ginagawa ko. Sa Sandaling kailangan Mo Ako, malaki ang pasasalamat
ko kasi, diyan talaga ako nabigyan ng magandang role. Parang doon
nakita ng mga taong nakakaarte rin pala ako.
Ngayon, wala na ang SSK, siyempre, nakakalungkot. Halos one year
na kaming nagkakasama, tapos, mawawala, so, mami-miss ko talaga
‘yun nang todo. At saka, doon ako nakilala na heto si Kristine,
may potensiyal din pala. Before kasi, naririnig ko lang, may
potensiyal ‘yan, may potensiyal, pero, hindi ko naman
naipapakita.
So, ngayon, kahit papaano, may napatunayan na ‘ko. Ngayon, sabi
naman ng Talent Center, may mga plano pa rin sila sa akin. Pero
siyempre, hindi naman ako mage-expect na matutuloy lahat ng plano.
Sa ngayon, gusto kong makilala as Kristlne Hermosa na very simple,
humble. Kung ano ang personality ko, sana ‘yun ang makita niia.
As an actress, gusto ko ring makilala as a drama actress. Pero
siyempre, hindi rin naman puwedeng straight drama dahil sa Richard
Loves Lucy, comedy naman doon.
About my family naman, napakasimple lang namin. Palagi ko ngang
naririnig na totoo naman dahil maraming nakakapansin na ‘yung
family raw namin, sobrang maawain. Simple lang kami, kapag nasa
loob ng family, walang showbiz. Sa trabaho lang ‘yun. Minsan,
may away-away din, pero, simple tang talaga.
Sa parents ko, open kami. Open ako sa dad ko, open ako sa mommy ko.
Kung ayaw namin, sasabihin namin. At saka, ‘yun din ang
nakakaganda ng relationship namin At saka aware ang mga tao sa
bahay ng napi-feel namin, especially when it comes to emotions.
At saka, masuwerte rim ako dahil buo ‘yung family ko. That’s
one thing I’m proud of. Sa mga kapatid ko, kilala nila ‘ko.
Lalo na si Ate, kapag alam niyang mainit ang ubo ko, ayoko ng
kinukulit. Eh, si Ate makulit ‘yan, kapag nangulit, talagang
super-kulit. Kaya kapag alam niyang mainit ang ubo ko, laiabas na
lang ‘yan ng room. Ganoon din naman ako sa kanya.
At saka, nandoon aug suportahan namin. Minsan, kapag may taping
siya at kilala ko ang director, sasamahan ko siya. Ako rin ganoon,
minsan, nagpapasama ako sa kanya.
Sa bahay, ‘pag nasa mood akong tumulong sa bahay at maraming
ginagawa ang iba, ako ang naghuhugas ng plato. Pero
paminsan-minsan lang din. Minsan naman, nagwawalis ako, naglilinis
ng bahay, minsan sinasabihan ako na, himala!
Sa lovelife, open na ‘ko, aware na ‘ko sa lahat ng lalaki, sa
mga pambobola nila. Kaya kapag may nambobola, sinasabihan ko na
lang ng, talaga ha? Eh, kasi minsan, sino na naman ang maniniwala?
Pare-pareho lang naman.
Siyempre, hindi naman natin maiiwasan ang ma-in love. Akoo ako
kasi ‘yung parsing himli pa ako nagtitiwala. Parang kapag ma
in-love ako sobra-sobra, sobrang tiwala rin. Hindi pa rin ako
nagkakaroon ng boyfriend, parang M.U.-M.U lang.
May mga nali-link sa akin, like si Mo (Twister), best friend ko
lang talaga siya. Nakita ko sa kanya ‘yung kuya. At saka si Mo,
matured na kasi siya, nakita ko sa kanya ‘yung nasasabihan ko,
may sense of humor kapag kausap.
With Marvin (Agustin) naman, masyado lang talagang
nami-mis-interpret ng mga tao. Kasi palagi kaming magkasama, sa
taping halos thrice a week, magkasama kami. So, nami-misinterpret
lang talaga ng mga tao. Si Onemig (Bondoc), wala...wala naman
talaga.
Sa mga suitor, okey lang. Kung gusto nila ‘kong puntahan, puwede
silang pumunta sa bahay. Pero hindi ko pa nararanasang mag-date na
ako lang at saka ‘yung guy. Minsan, kung gusto nilang lumabas,
kasama ko ang dad ko.
Siyempre, hindi naman ako papayagang sumakay sa kotse ng guy. Kung
sasakay man ako, kasama ang mom ko. Siya ‘yung nasa harapan at
ako ‘yung nasa likuran.
Gusto ko sa guy ‘yung simple, understanding at matured. Siyempre,
gusto ko ‘yung mamahalin ako. ‘Yung may breeding. Para sa
akin, maipakita lang nilang sincere sila at totoo sila sa
nararamdaman nila. In general naman, sa mga guys, kapag nakasundo
kita. Kasi ako, paiikutin kita, tapos, kung pare-pareho ang
sinasabi mo at napapatawa mo ‘ko, okey. Kasi ako, hindi naman
ako mahirap makasundo.
I think, I’m not with my age. I think, more than sixteen pa
‘ko. Kasi ‘yung iba siguro, hindi pa talaga alam ang life. Eh,
ako, more or less, alam ko na ang life. Konti na lang siguro, yung
pagtanda ko at mas marami pang experiences.
Sa ngayon, I know life, marami na kong na-meet na iba’t ibang
klase na tao, about my works. Sa ibang sixteen years old, hindi pa
sila ganoon ka-expose. Kasi ako, everything na ma-encounter ko,
pinag-iisipan ko. At doon siguro ‘ko natuto.
Siguro, puwede kong sabihing mis-interpreted lang ako kapag may
nagsasabing suplada ‘ko, mataray. Kasi ‘yung totoong Kristine,
mahiyain talaga. Friendly naman ako, hindi lang siguro nila makuha
kung papaano ‘ko i-approach. At hindi ko lang din siguro sila
nakakausap.
Actually, marami ring fans ang nagsasabi sa akin na akala namin
mataray ka, ‘yun pala, mabait ka! So, natutuwa naman ako,
sinasabi ko sa kanila na mabuti naman at nakausap n’yo ‘ko,
nabigyan n’yo ‘ko ng chance to express myself.
Minsan kasi, kapag hindi ako ngumingiti, akala, mataray us. Hindi
talaga... hindi talsga ‘ko ganoon. Actually, noong bats ako, aug
tawag pa nga sa akin, Ms. Friendly. Nabago lang ang dating ngayon,
maybe because of my face na mukha lang mataray.
Well, nagte-thank you ako sa lahat ng mga tao, ma lahat ng mga
taong naniniwala sa akin. Sana, dumating ‘yung time us stable us
‘ko. Sana dumating ‘yung time na hindi ko na kailangang i-explain
sa mga tao na ganito ‘ko, na ganito ko... Sana, may magsasabi na
ng ah, si Kristine, ganyan lang ‘yan. Sana makita nila ‘yung
bright side.
At sana, mabigyan ako ng chance na mai-express ko ang self ko. At
sana, more freedom. |