Kristine Hermosa: Walang pakialam sa nakaraan ni Jericho!
by Oghie Ignacio, Super Teen, Nov 23, 2001

Isa sa may pinakamaganda at charming na mukha sa larangan ng lokal na aliwan sa kasalukuyang panahon ngayon itong si Kristine Hermosa. Kaya naman nabibighani ang mga kalalakihan sa kanya ‘pag napapanood siya sa tv via “Pangako Sa’yo” ng ABS-CBN Channel 2.

Hindi nga kataka-takang maging attracted sa kanya ang ka-Ioveteam niyang si Jericho Rosales. Dahil sinumang lalaki na makasama ng una’y hindi lang basta paghanga ang nararamdaman kundi kakaibang feeling na puwedeng humantong sa masidhing pagmamahal.

“Well, salamat ho sa mga ganu’ng opinyon ng iba,” bungad sa amin ni TinTin. “Basta kami naman ni Echo ay nagkakaintindihan palagi. Alam niya ‘yung mga priorities ko. But like what I’ve always said. Laging espesyal para sa akin ang taong ‘yon,” aniya pa.

“Walang makakapagbago ng feeling kong ‘yon para sa kanya. Kasi nga napatunayan ko kay Echo ang pagiging espesyal ko sa kanya,” sey pa rin m TinTin.

“Siya kasi ‘yung tipo ng isang special friend na iti-treasure mo talaga. Hindi ka mya pababayaan. Kaya naman ganu’n na lang ang pagtingin ko sa kanya.

“But if ever na maging kami man ni Echo in the future, hindi ko naman itatago ‘yon. Ipagmamalaki ko pa sa kanila. At kahit sinong babae siguro, ipagmamalaki ang pagiging responsible ni Echo.

“Lalo ná ‘yung pagmamahal nya sa family nila. So nakikita ko sa kanya na magiging mabuti siyang padre de pamilya someday,” dagdag pang tsika ni TinTin.

At wala rin nga naming masama kung magkatuluyan sila ng guwapong aktor lalo na’t binata pa naman ito. Dalaga pa rin naman si TinTin ika nga. Kahit pa may mga naglabasang intriga noon kay Echo na kesyo may naanakan daw ito’y tila deadma lang ang magandang leading lady ng aktor sa “Pangako Sa’yo” at “TRIP” ng ABS-CBN/Star Cinema.

“Hindi naman kasi ako ‘yung tipo ng babaeng tumitingin sa nakaraan ng isang special friend na lalaki. Kung anuman ang nangyari kay Echo before whether it’s true or not. Wala na’kong pakialam do’n.

“Ang mahalaga sa akin ,eh, ‘yung ngayon. Maganda ang samahan namin. Masaya kami when we were together.So, hindi kailangang lagi ka na lang mabubuhay sa nakaraan. Dapat harapin ma ‘yung bukas at ‘yung ngayon,” magandang paliwanag pa ni Tin Tin.

Kung pakikinggan ang mga magagandang pananalita ni TinTin ngayon patungkol kay Echo’y parang hindi kapani-paniwalang dili ay ayaw na ayaw niya sa aktor. Hanggang sa mag-ibaang ihip ng hangin at maging matindi ang bonding nilang dalawa na akala mo’y sila na nga.

“Totoo po ‘yon,” magalang myang sagot agad sa amin. “I didn’t like him before. Iba kasi ang impresyon ko sa kanya noon Parang ano.. .ewan ko ba? Hindi ko talaga alam noon kung bakit ayaw ko sa kanya," aniya pa.

"Siguro dahil hindi pa namin nakikilala talaga ang isa't-isa. At saka ang pakiramdam ko kay Echo noon, eh, parang ano... hindi ko siya type talaga. Kaya nu'ng magkasama kami sa "Munting Paraiso' hini pa namin ganu'n ang samahan namin," kuwento pa ng magandang aktres.

Maaring ang panahon na rin ang siyang nagtakda na magkakilala sila nang husto at mauwi sa magandang pagkakaibigan ang lahat na siya naming nangyari sa kanilang dalawa sa kasalukuyan.

"Well, siguro nga. At wala naman akong pinagsisisihan sa pagkakakilala namin ni Echo. And I think, mas lumalim pang lalo ang friendship namin ngayon. So, in a way, nakatulong din 'yung hindi namin pagkagusto before sa bawat isa. Mas nagkaroon ng magandang situwasyon, 'di ba?

"That's why ngayon, talagang napaka-special ni Echo sa akin. And I'm very proud na nagkaroon ako ng special friend na gaya niya," dagdag pang tsika ni Tintin.

Bukod sa kanyang career at mahahalagang bagay na meron siya sa kanyang buhay ay ano pa kaya ang tini-treasure niya nang husto sa buhay niya ngayon?

"I think ano... my cellphone," napapangiting sabi agad ni Tintin sa amin. "Importante sa 'kin 'yon. Malaki kasi ang naitutulong nu'n sa akin," aniya pa.

"Pag nawala 'yung cellphone kong 'yon, eh, magiging helpless ako. Napakaimportante sa 'kin nu'n. Lalo na kung may importante akong tawag at emergency," sey pa rin niya.

Meron ding malaking bagay na kinatatakutan ni Tintin na ayaw niyang maranasan sa buhay na minsan ay nakikita niya sa pelikula o mga soap opera sa telebisyon.

"Well, 'yung mawala sa buhay ko ang aming pamilya. Du'n talaga ako takot. Kaya palagi 'kong pinagpi-pray kay Lord na lagi Niya kaming bigyan ng proper guidance lalo na ang aming pamilya," pagtatapos pa ni Tintin sa aming panayam.

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com