Make your own free website on Tripod.com

Rebelde-in-the-making
Ni DARWIN E. ESPINO
PJ Insider, Nov 28, 2001

“‘PAG 20 na ako at ganu’n pa rin sila sa akin, ‘di na puwede ‘yun,” maraming-ibig-sabihin na pahayag ni Kristine Hermosa sa presscon ng Dugong Aso.

Tipong pagbabanta, or nasa-sakal na, or pagod na si Kristine. Ang topic nang sabihin niya ang linyang ‘yun ay ang kanyang mga magulang.

“Security risk ka, kasi sikat ka, maganda, kaya binabantayan kang mabuti,” reaction ng isang manunulat sa tinuran ni Kristine.

“Sikat ba ako?” medyo na-pangiwi si Kristine. “Pero dapat ma-feel ko rin ang pagtitiwala nila sa akin. Alam ko na naman ang tama at mali.”

Dalawa sa mga gustong gawin ni Kristine ngayon, na “ipinagbabawal sa kan- ya”: Paminsan-minsang pamamasyal nang walang chaperon, at mag- drive nang solo.

“Nagda-drive ako, patakas,” natatawa niyang banggit. “Feeling may freedom ako, kahit for a while lang.”

At ‘yun — sa pa-lagay namin — ang pursigido siyang ipaglaban pagdating niya ng 20: Freedom.•

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com