Make your own free website on Tripod.com

THE TINTINABULATIONS OF KRISTINE
by Mario Bautista
PJ Insider, Nov 28, 2001

SADYANG alagang-alaga ng ABS-CBN si kristine Hermosa. They’re obviously grooming her to be a big star, kaya nang mag-debut noong Sept. 9 (her actual birthday) sa Manila Polo Club ay sinuportahan siya in Staging the affair at ipinalabas pa ito later as a Special sa Star Studio.

Si Kristine ang lead actress sa No. 1 teleserye ng ABS-CBN, Pangako So Yo, at isa rin siya sa mga bida sa pinipilahang youth-oriented flick ng Star Cinema, Trip. She is paired with Jericho Rosales in both vehicles.

ABS-CBN was also gracious enough para ipahiram si Kristine kay Gov. Lito Lapid, na inilulunsad ang anak na si Mark to action stardom sa Dugong Aso, na si Lito mismo ang namahala.

Pagbabago

NGAYONG 18 years old na siya, ano namang mga pagbabagong naganap sa kanyang buhay?

“Ako pa rin ang dating Kristine,” pahayag niya. “Sabi ng parents ko, they still won’t allow me to go out on dates alone. May mga nagtatanong naman kung ready na raw ba ako to go sexy. The answer is no. Honestly, nang mag-join ako sa showbiz, I never thought I’d click as an actress. Pero ngayong tinanggap ako ng tao, natutuhan ko na ring mahalin ang trabaho ko. I’m enjoying it because everything is going smoothly in my career. 'Yun nga lang, lagi akong kulang sa tulog, kasi I tape Pangako three times a week, tapos may movies pa ako, personal appearances and other out-of-town shows.”

Ano ang naging wish niya noong kaarawan niya?

“Ang wish ko, sana I could go back to school and get a degree. Pero I realize now na dahil sa aking various commitments, it’s a dream that I would have to shelve for a while dahil sa many good opportunities that are coming my way.”

Obvious na bini-build-up siya as a sweet star. Pero sa gulang na 18, what is the wildest thing she has ever done?

“Sinubukan kong mag-smoke habang nasa set kami, but I didn’t like it. I also tried drinking beer, pero hindi ko rin nagustuhan.”

Sa papel niya as Inah in Pangako, kaydali niyang umiyak kaya iniisip ng publiko na she must have had a lot of unhappy experiences in life.

“Hindi naman. I had a happy childhood. But I’m really emotional, so I find it easy to cry on camera. Isa pa, puro magagaling ang mga kasama ko, like EuIa Valdez, Jean Garcia, and Jericho himself, kaya kailangang galingan ko rin ang acting ko. I really take my craft seriously.”

Finances

BALITANG ang talent fee sa kanya sa Dugong Aso ay twice as big than what she gets from ABS-CBN. Saan naman napupunta ang mga kinikita niya? 

“Ang parents ko ang nagha-handle ng lahat ng finances ko for me. They just give me an allowance, which is just as well dahil hindi pa naman ako marunong humawak ng pera.” 

Totoo bang sobra sa higpit ang mga magulang niya at nang minsang makipag-date siya kay Jericho ay napagbuhatan siya ng kamay?

“Mahigpit sila, pero nasa lugar. Never nila akong sinaktan. Minsan lang akong lumabas with Jericho. Nanood kami ng sine. Pero hindi kami lang. Marami kami, kasama pati ang aming handlers. Hindi na naulit dahil pareho kaming sobrang busy. But they allow Jericho na dalawin ako sa bahay.”

Ibig bang sabihin nito ay inaamin na niyang nanliligaw nga sa kanya si Jericho?

“Oo. Ganoon na nga. Pero sinabi ko sa kanya, huwag niya akong mamadaliin. Basta sa ngayon, if there is one guy na hindi ko kamag-anak pero very close sa akin, si Echo na 'yun.”

Nangangahulugan ba itong malaki ang pag-asa ni Jericho na sasagutin niya in the near future?

Hindi na sumagot si Kristine at tumawa na lang nang tumawa. You can draw your own conclusions from that. Basta for us, we guess her silence means consent.•

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com