Make your own free website on Tripod.com

On his relationships with Kristine and Angelika
TeenStars, Aug 22, 2001 by Melba Llanera


The next CHRISTOPHER DE LEON ang tawag sa kanya at nakikita ang husay at galing ng premyado at nirerespetong aktor sa katauhan ni JERICHO ROSALES.

Bukambibig ang kanyang pangalan hindi lang dahil sa popularidad ng kanyang grupong Hunks kundi bilang isa sa pinakamagaling na batang aktor ngayon. Tuluy-tuloy na kaya ang magandang suwerte kay Jericho pagkatapos nang matagal na panahon niyang paghihintay?

“I must admit na dumating din ako sa pagkainip noon pero sa rami ng trabaho ko ngayon from Pangako, Mindanao, Trip, Munting Paraiso at ASAP na halos araw-araw ang trabaho kq, siguro nga pana-panahon lang and I can say I this is my time. At sinabi ko sa sarili ko na kailangang pagbutihin ko ang Iahat ng ibibigay na trabaho sa akin.”

Sikat na sikat ang grupo ninyong Hunks but how does it feel sa feedbacks ng maraming sa inyong lima ay ikaw ang pinakaangat sa lahat?

“Di ko napapansin ‘yan kasi grupo kami. ‘Pag nasa stage kami at sumisigaw ang mga tao, para sa grupo ‘yun hindi lang para sa akin, kay PIOLO, kay DIET, CARLOS or BERNARD pero sa buong group.

“May mga nagsasabi sa aking ako nga raw ang angat at paborito ng tao. Sabi ko eh, ‘di okey. Noong una nga akala namin imposibleng mabuo ito bebause of our schedule pero nangyari nga kaya masaya kaming lahat. Ang sarap ng feeling na parang may banda kami eh, matagal ko nang gustong magkabanda, ‘yung tipo bang bokalista ako.”

Balita rin na sa tatlong soap opera ng ABS ang Pangako Sa ‘Yo, Sa Dulo Ng Walang Hanggan at Sa Puso Ko Iingatan Ka, ang soap opera ninyo ang may pinakamataas na ratings at pinakaaabangan ng tao. Ano ang masasabi mo tungkol dito?

“Ever since naman ay proud ako sa Pangako... ‘di dahil sa ratings, kundi dahil napapalibutan ako ng mga magagaling na artista tapos mahusay pa ‘yung writer namin. Paborito ko ‘yung direktor naming si Rory Quintos.

“Of course takot kami nu’ng dumating ‘yung ibang soap opera. Andu’n ‘yung fear kung paano namin maine-maintain but we’re very thankful na wala namang nabago when it comes to ratings at magandang response ng tao. Wala rin namang competition sa amin kasi we’re from the same station. Basta proud and happy kaming nagbubunga ang pinaghihirapan namin.”

Samantala, open book na minsan ay nagkaroon kayo ng special relationship ni ANGELIKA DELA CRUZ at balitang kakaibang sweetness naman daw ang nakikita sa inyo ni KRISTINE HERMOSA ngayon. So far, sino talaga ang mas matimbang para sa iyo?

“Sa totoo lang boring nga ang buhay ko ngayon dahil wala akong lovelife. Ang buong panahon ko ay naka-focus lang sa career ko. ‘Yung sa amin kasi ni Angelika, wala akong isinasarang pinto pero medyo malabo na kaming magkabalikan. ‘Yung kay Kristine naman time will tell kung magiging kami.”

Marami raw sa mga artista natin ang madaling makalimot, at nasisilaw sa tagumpay, sa kasalukuyang estado ng career mo, ready ka na bang ang maaaring isunod na intriga sa iyo ay yumabang o Iumaki na ang ulo mo?

“Dumarating kasi ‘yung ganyan ‘pag maraming biyayang dumarating sa iyo. Minsan kasi ‘di maiiwasan ‘yun eh, papasok at papasok sa utak mo, tao ka lang naman pero diyan mo kakailanganin ang ibang tao na sisita sa iyo at magtuturo sa iyo kung paano tumapak sa lupa,” wakas na lang ni Echo sa aming tsikahan.

~ e n d ~

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com