Make your own free website on Tripod.com

NADE-DEVELOP NA DAW ANG FEELINGS NIYA KAY JERICHO ROSALES
Fr. Teenstars, Aug 1, 2001

Kahit kailan ay hindi kami magsasawang tingnan ang isang mukhang kasing ganda ni KRISTINE HERMOSA. She has blossomed into a beautiful young lady lalo pa ngayong magde-debut na siya this September. Pero bukod dito,ano pa ha ang latest sa kanya these days?

“Well, besides sa teLeseryeng Pangako Sa Yo which you get to watch daily, kung saan kasama ko si JERICHO (ROSALES), tinatapos namin ang movie na Trip ngayon na pino-promote na rin namin at the same time. Ilang eksena na lang din naman ang kulang eh. And I’m also doing a movie with MARS LAPID, ‘yung anak ni LITO LAPID entitled Dugong Aso. That’s an action film,” bungad ni Tintin na matagal-tagal na rin naming hindi nakatsikahan. 

Kapansin-pansin na pagdating sa movies eh, kung hindi pang-bagets ang tema ng pelikula ay leading lady siya sa mga action movies. Bakit nga kaya ganito, hindi ba dapat eh, malinya siya sa drama since sa ganito rin siya nagugustuhan ng tao?

"Siyempre, para maiba naman di ba? Saka gusto ko namang masubukan lahat. Since heto rin lang ang chance para sa akin to do the things na puwede kong gawin din pala,why not, di ba?

“Ayoko naman ‘yung tipong pang-drama lang ‘no. Gusto ko ring ma-explore ang ibang field ng acting para matuto rin ako. Gusto ko ring mag-action at saka experience rin ‘yon, di ha?” katwiran pa ng dalaga.

Aminado kaming super watch kami ng Pangako... at siguro kahit naman kayo ‘no! Bukod sa maganda at may depth ang love story ay fast paced pa at hindi boring. As we get to watch Tintin, in fairness, malaki ang improvement ng acting niya bilang si Yna. But as usual, may mga bumabatikos pa rin sa kanya. Ano’ng comment niya sa mga taong nang-iintriga pa rin sa kanya hanggang ngayon?

“Well, hindi naman talaga mawawala ‘yan lab na rito sa showbiz. Pabayaan na lang natin sila and besides wala naman silang napapala eh. At kung sagutin ko ang mga binabato nila sa akin, hindi rin ako magge-gain ng kahit na ano so, hayaan na lang natin sila. Kung doon ba sila masaya sa paninira ng kapwa."

Kumusta naman sila ni Jericho ngayon? “We’re very good friends. Nakatutuwang isipin na habang tumatagal ay mas nagiging strong ang friendship namin at mas nakikilaba namin ang isa’t isa,” may ngiting sabi pa ni Kristine.

Ano naman ang reaction niya dahil sa kabila ng pagiging malapit nila ni Jericho ay saka naman lumabas ang balitang nagkakamabutihan uli sina Echo at ang ex-love niyang si ANGELIKA DELA CRUZ?

“Well, hindi pa naman kami ngayon ni Echo at waba akong karapatan pagdating sa personal life niya kasi hindi na siguro tama kung makialam ako, di ha? I have nothing against kung ano man ang nangyayari sa personal niyang buhay.”

No doubt bagay sila ni Jericho. Kaya sigurado kaming marami ring fans ang kinikilig at umaasang someday ay may magic na mangyayari between them.

“Hindi naman kami nagsasara ng pintuan naming dalawa ni Jericho. Pero sa tingin ko. mas maganda tabaga kung natural siyang lumalabas at hindi ‘yung pinipilit lang. For sure, hindi rin matutuwa ang mga tao kung malalaman nilang pilit lang.

“Para sa akin, friends muna. Kung smooth ang friendship at close kayo then, go with the flow. Eh, kung may kapupuntahan ha naman, ba’t mo pipigilin?” katwiran pa niya sabay ngiti.

Sa tingin ba niya ay may kapupuntahan if ever, huh? “Hindi naman kasi mahirap mahalin si Jericho eh. He’s a very good person. ‘Yun lang ang masasabi ko kasi nga ngayon pa lang, mahal ko na siya as my friend.

“Pero kung dadating man sa point na gano’n, walang magiging problema ru’n,” pagtatapos pa nito sa aming tsikahan.

~ e n d ~

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com