Make your own free website on Tripod.com

JERICHO-KRISTINE ROMANCE for real or for reel?
by Chanchan Torres
Teen Stars, July 4, 2001

Isa kami sa natutuwa para sa magaling na young actor na si JERICHO ROSALES. Needless to say, malayo na ang narating ng binata dahil ngayon ay walang dudang numero uno sa primetime slot ang teleserye nilang Pangako Sa 'Yo, kung saan kasama niya ang magandang si KRISTINE HERMOSA, with the support of a powerhouse cast.

“Talagang nakakataba ng puso ang malaman mong ganoon ka kamahal ng tao, ganoon kalaki ang tiwala sa inyo ng mga sumusuporta sa inyo. Kaya nga lalo pa naming pinagaganda ang bawat eksena, sulit Iahat ng hirap at pagod namin," bungad na sabi ng binata.

Hindi man nakasama si Echo sa pelikulang Dekada ‘70 because of conflicting schedules ay natutuwa pa rin siyang ibalita na may project siyang sisimulan hopefully bago matapos ang taon. Ano nga ba ang latest about this?

“Well, may gagawin kaming movie ni CESAR MONTANO. Mindanao ang tentative title. It’s basically a story about the place itself. Sana matuloy talaga. Natapos na rin naming gawin ang Trip, kasama sina MARVIN (AGUSTIN), Kristine at marami pa,” kwento pa niya. Bongga kung tutuusin ang career pattern ng binata lalo pa’t talented naman talaga siya. And no doubt na isa siya sa prime catch ng Dos kaya naman hindi nila ito dapat pabayaan. Pero curious lang kami, aware ba siya na minsan ay pinagkukumpara sila nl PIOLO PASCUAL?

“Ganoon ba? Hindi ko masyadong alam ‘yun ah!” deadmang sabi ni Jericho.

“Sa akin naman, okey lang kung ano ang sabihin ng ibang tao. It’s their opinion kaya irespeto natin ‘yon. Kami ni Piolo, magkaibigan kami niyan! We’re both happy para sa success ng bawat isa. Natural lang na pagkumparahin kaming mga artista basta ba healthy lang ang dating no problem,” kaswal pang sabi ni Echo.

Nalaman din namin mula sa ibang tao na sa taping daw ng Pangako... ay super sweet sila ni Tintin. Inamin naman ni Jericho na minsan daw ay kumakain sila sa labas after the taping at hindi na sila naiilang sa isa’t isa.

“Okey kami ni Kristine. Walang nabago sa samahan namin o kung meron man, it’s getting better each time na magkita kami,” napangiting sabi pa ng binatang halatang inspirado these days.

Sa mga fans na sumusubaybay sa kanila ni Tintin, kilig na sana, di ba? Pero balitang nagkakamabutihan uli sina Echo at ang ex-love niyang pretty din na si ANGELIKA DELA CRUZ. Nakikita daw uli silang lumalabas na magkasama. How true?

“Ahh, ‘yun ba?” medyo gulat pang sabi ni Jericho sa amin.

“Dati pa ‘yun ah! I mean, dati pa kaming ganyan and it has remained that way kahit hindi na kami nagsasamang madalas pero hindi kami”

“Okey if they want it clear, magkaibigan kami ni Sunny (tawag niya kay Angelika). Wala naman sigurong masama kung mag-usap o magkita kami because we’re good friends. Wala akong lovelife ngayon dahil masyado akong busy para asikasuhin pa ang mga bagay na ‘yan!” prangkang sabi pa ni Jericho.

Hindi kaya maapektuhan ang team-up nila ni Tintin sa mga ganitong balita?

“Definitely hindi. Matatalino na mga ang tao ngayon to understand kung ano ang ibig kong sabihin. Saka mas okey kami ni Kristine dahil nga siya ang madalas kong kasama, mas madabas kong nakikita’t nakakausap. I enjoy her company at sobrang nakaka-in love ang ka-sweetan niya sa akin,” may kilig pa sa boses ng binata habang nagkukuwento siya.

Bukod sa movies at drama shows niya ay aliw din kami dahil kasama si Echo sa ASAP Hunks. As in, kumakanta siya kasama sina BERNARD PALANCA, Piolo, CARLOS AGASSI, and DIETHER OCAMPO. 

“Enjoy nga ako sa grupo namin kasi bukod sa nagkakaroon kami ng chance na mag-bonding, we get to experiment pa sa mga kanta na gusto naming perform. Nagsi-share kami ng ideas.”

Hindi kaya magkaroon ng sapawan sa grupo gaya ‘yong ibang grupong ganito nfl ang format?

“Huwag naman sana. Saka magkakaibigan kami sa simula pa lang para masira lang ng mga walang kwentang bagay. Nakakapanghinayang naman ‘yung ganoon,” pagtatapos ni Echo. *

~ e n d ~

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com