Make your own free website on Tripod.com

Naging Girlfriend daw siya ni Kevin Vernal...
by Reggee Bonoan
Teen Stars, July 4, 2001

Iritable ang pamilya HERMOSA lalo na ang magulang ni KRISTINE HERMOSA na sina ALMA at MAX ORILLE dahil sa pagpapa-interbyu ni KEVIN VERNAL tungkol sa naging relasyon daw nila ni Knstine noong trese anyos pa lang ito.

Hindi maintindihan ng mag-asawang Orille kung bakit muling lumitaw si Kevin at nag-iingay gayung ilang taon na rin daw silang walang communication sa binata partikular na si Kristine na sobrang busy ngayon sa trabaho niya.

“Nu’ng nakita namin siya sa Channel 7, natuwa kami kasi kinuha siya at kilala na rin, kesa nu’ng sumasama lang siya sa Kuya niyang si MARK (VERNAL) dito sa channel 2.

“Hindi yata kasi siya kinuha bilang Star Circle kaya siguro nasa channel 7 siya,” pagbabalik tanaw ni Mommy Alma.

Admittedly, naghiwalay nang hindi maayos sina Kristine at Kevin dahil kung anu-ano ang ikinukuwento ng binata sa mga kaibigan nitong reporters na nag-ugat kaya tuluyang pinutol ng magulang ni Kristine ang pakikipag-kaibigan nila sa binata.

“Pinakitaan namin siya ng maganda, pati parents ko ay hinaharap siya nang maayos pero iba naman ang isinukli niya,” ito ang malungkot na kuwento ni Kristine.

Masyadong naging traumatic ang pakikipag-kaibigan ni Kristine kay Kevin dahil binigyan daw ito ng ibang kahulugan ng binata.

“Nagpaalam siyang makikipagkaibigan, dadalaw sa bahay at tatawag sa phone. Pinagbigyan namin dahil mabait at magalang naman siya. Alangan naniang hindi namin pakiharapan, eh, tao namang dumadalaw?

"Iba na pala ang ibig sabihin sa kanya nu’ng nakakadalaw siya sa bahay, inisip niyang girlfriend na niya ang anak ko?” paliwanag ng Mommy ni Kristine.

“Nagpaalam siya sa parents ko na manliligaw daw, pero hindi pumayag ang parents ko kasi bata pa ako no’n at saka hindi ko rin gusto kasi wala pa akong alam no’n at saka ayoko ng boyfriend-boyfriend.

"Mabait si Kevin kaya ko siya pinakitaan ng maganda at saka sabik ako sa kapatid na lalake, kasi wala kaming lalaking kapatid. Iba naman pala ang iniisip ni Kevin,” paliwanag din ni Kristine.

“Kaya kinausap ko na si Kevin na tumigil na siya sa pagpunta sa bahay. Dumating pa sa puntong nagpapalit ako ng phone number kasi talagang makulit siya,” dagdag pa ni Kristine.

"lisa lang ang masasabi kó, hindi ko siya naging boyfriend o magiging boyfriend kailanman,” diin pa niya.

Samantala, magmula raw nu’ng nasa kabilang istasyon na ang binata ay never na niyang nakita ito o nakausap man lang. Kaya nagtataka si Kristine kung bakit muling nag-iingay si Kevin? Unless may pelikula o show itong pino-promote at ginagamit si Kristine.

Masaya si Kristine sa kanyang career ngayon dahil maski na wala siyang boyfriend ay sobrang inspired siya dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga projects.

Happy siya sa magandang ratings ng teleserye nila ni JERICHO ROSALES dalawang pelikula ang ginagawa ngayon ng magandang dalaga ang Dugong Aso kasama si MARK LAPID at Trip kasama naman sina JERICHO ROSALES at MARVIN AGUSTIN mula sa Star Cinema.

Bukod dito ay kinuha pa siyang mag-endorse ng apat na malalaking produkto at isa na nga sa ipinakikita sa TV ay ang Maxi-Peel Astringent by Splash.

Sa darating niyang debut sa September 9 ay isang malaking party ang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang at nakatakda itong gawin sa isang magandang lugar sa Metro Manila.

Maraming escorts ang pinagpipilian ng debut planner ni Kristine pero saka na lang daw natin ito malalaman kapag sumapit na ang araw na iyon.

~ e n d ~

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com