Make your own free website on Tripod.com

KEVIN VERNAL, pinagkakalat na naging girlfriend niya si KRISTINE HERMOSA noong trese anyos pa lang ito!
Teenstars, July 4, 2001 by Joanna de Leon

Sa ganda ni KRISTINE HERMOSA ay hindi kataka-takang pag-agawan siya ng mga boys. Hindi ba’t na-link na nga siya kina MO TWISTER, MARVIN AGUSTIN, JERICHO ROSALES at kung sinuu-sino pang ibang boylets diyan. Pero ano itong tsikang bigla-bigla ay kine-claim ni KEVIN VERNAL na naging girlfriend niya ang magandang dalaga noong trese anyos pa lang ito. lpinagtapat Ito ni Kevin sa sarili niyang presscon kaya’t marami ang nag-react sa revelation na ito.

Agad na nag-react siyempre ang ever dearest Mommy ni Kristine na si Mommy Alma.

"Totoong naging close sila (Kevin) ng anak ko noong bata pa sila. Nagko-confide pa nga sa akin ‘yan ng problema kaya awang-awang ako sa kanya. Pinakitaan namin siya ng maganda kaya hindi ko akalaing gagawin niya Ito sa amin.

“Sana lang kung gagawa siya ng ingay parasa kanyang career eh not for my daughter’s expense. Tahimik na nagtatrabaho ang anak ko kaya unfair na gamitin pa niya si Kristine kung gusto lang niyang sumikat," say pa ng Mommy ni Tintin.

“Hindi nagmamadali ang anak kong makipag-relasyon. Marami pa siyang dapat pagkaabalahan kaysa sa pakikipag-boyfriend na ‘yan! Pinaghirapan ng anak ko ang kinalalagyan niya ngayon kaya ‘wag naman sanang sirain ito ng iba tao!"

~ e n d ~

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com