Make your own free website on Tripod.com

People's Journal
Wednesday, June 6, 2001

Jericho Denies Courting Ex-girlfriend Angelika
by Eric John Salut

Sumumpa sa amin si Jericho Rosales na hindi totoo yung nasusulat na nililigawan niyang muli ang ex-girlfriend niyang si Angelika de la Cruz. Lalo raw hindi totoo na nakipagbalikan siya dito. "Hindi totoo 'yun! Hindi ko siya nililigawan at hindi kami!" paniniguro  nito sa amin.

Aware si Jericho na may lumalabas na gano'ng balita pero hindi niya ito pinapansin dahil alam niya ang totoo. Nahihiya nga siya kay Kristine Hermosa, his leading lady in Pangako Sa 'Yo dahil sa nasusulat. Hindi raw nila ito pinag-uusapan. Hindi rin nagtatanong si Kristine tungkol sa isyu.

Aware si Jericho na minsan na siyang na-in love kay Angelika at nakita niya ang naging epekto nito sa career. Bokya ang kanyang career nang girlfriend pa niya ito. Kaya ngayong maganda ang kanyang career, hindi na siya gagawa ng maling move para masira naman ito.

Tiyak na matutuwa si Kristine kapag nalaman niya na siya ang kinukonsider ni Jericho na "lucky charm" nito.

~ e n d ~

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com