Make your own free website on Tripod.com

HAPPY TOGETHER, JERICHO & KRISTINE GOES TO JAPAN
TMM, Aug 22, 2001 by Jun Reyes

et006_1.jpg (11117 bytes) et006_2.jpg (18242 bytes) et006_3.jpg (14195 bytes)
et006_4.jpg (12822 bytes) et006_5.jpg (28115 bytes) et006_6.jpg (18136 bytes)


Last July 27 ay nagkaroon ng series of shows sa Japan ang hottest lead stars ng Pangako Sa ‘Yo na sina KRISTINE HERMOSA at JERICHO ROSALES, sa imbitasyon ng mga kababayan nating Pinoy na naroon. The show was produced by Baby Pacheco and Bernard Cloma of Airtime Entertainment Production.

Nalaman namin mula kay Bernard Cloma na nahirapan silang i-book sina Kristine at Jericho for the show abroad dahil ayaw payagan ang mga ito ng executvie producer ng kanilang soap opera Kaya lang natuloy ang show nina Jericho at Kristine sa Japan ay dahil nakiusap nang todo si Bernard sa mga big bosses ng ABS-CBN at laking pasalamat niya dahil pinayagan ang mga ito.

"Kapag kasi hindi natuloy ‘yung show nila Jericho at Kristine sa Japan, katapusan na ng career ko kaya happy ako nu’ng natuloy ito at thankful din ako kay Ms. Charo Santos at Tita Malou Santos,” sey pa niya.

Excited si Bernard na magkuwento tungkol sa mga ginawa nina Jericho at Kristine during their three-day stay sa Japan. Kahit sabihin pang magkaibigan lang ang dalawa (Kristine — Jericho), feeling niya ay mag-dyowa ang mga ito.

Sa Japan daw kasi ay talagang super-sweet sa isa’t isa sina Echo at Tin-tin. Kulang na nga raw na langgamin sila sa sobrang ka-sweet-an.

Hanggang sa Japan daw ay ang lakas-lakas ng tandem nina Kristine at Jericho. In fact, sa lahat ng bar kung saan nag-show ang dalawa, talagang ang daming tao. Ang mga kababaihan at kabadingan daw ay aliw na aliw kay Jericho samanThlang ang mga kalalakihan naman ay halos mabaliw kay Kristine. 

“Klik na klik ang dalawa sa Japan at ito’y dahil na rin sa sobrang init ng pagtanggap sa kanila ng mga tao. In na in kasi ang dalawa sa Japan. Sikat na sikat sila du’n,” kuwento pa ng kaibigan namin. Since very successful ang show nila Jericho at Kristine, posibleng bumalik ang dalawa ulit dito at naka-sked na nga sila this coming November.

Nagpapasalamat sina Kristine, Jericho at Bernard kay Mr. Tanishima, owner ng Paraiso Telephone Card at kay Ms. Luisa de Leon, in charge ng Paraiso sa pag-aasikaso sa kanila rito.

 ~end~

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com