Make your own free website on Tripod.com

JERICHO, KRISTINE AND MARVIN: LOVE TRIANGLE
Star Studio, August 2001

et005_1.jpg (54346 bytes) et005_2.jpg (86118 bytes) et005_3.jpg (84727 bytes)
et005_4.jpg (83291 bytes) et005_5.jpg (79936 bytes) et005_6.jpg (45336 bytes)


BET that title gotcha! Well, it’s not really the first time the issue cropped up. Jericho and Kristine I Marvin and Kristine — they seem so close, it’s intriguing. So we asked them the proverbial “real score”. That and a few other questions. At eto ang mga kasagutan.

For Kristine and Marvin, naging kayo ba - ever? Kahit almost?
K: Never.
M: Sobrang close. We can say na “almost”, MU or whatever. It came to the point kasi na ang dalas nagkikita kami sa trabaho. Sa set (Sa Sandaling Kailangan Mo Ako), morning till morning magkasama kami. Kami lang ang magkausap, so nagkasundo kami sa ugali.
K: Yun!

For Kristine and Jericho, naging kayo ba - ever?
K: Never. Ha-ha. Puro never ang answer ko.
J: Niligawan niya ako, hindi ko siya sinagot.
K: Ang hirap niya ligawan eh. Grabe, binasted ako...

Kristine and Jericho, hindi raw kayo magkasundo nung first na na-team-up kayo?
K: Ya, honestly we’re like mortal enemies.
J: Ha-ha. OK kami nito, magka-batch kami nito eh (in Star Circle).
K: Pero hindi lang kami talaga close nun.

Almost all loveteams nagkakatuluyan - kahit yung iba break agad. Bakit kayo hindi?
K: Actually yun yung iba sa amin. Yung iba nagkakatuluyan, kami hindi.
Nagagawa namin yung trabaho namin na hindi “kami”.
J: But we’re not closing the door.
K: Ha-ha-ha. Ay, ang pangit ng sagot!

Lahat kayo, loveless?
J: Ako hindi. Full of love ako kahit kailan.
M: Ako, hindi loveless. Love more... Nyek.
K: Ako rin.

Bakit ganoon?
J: Open nga eh.
K: At hindi kami nagko-close ng doors.
M: Hindi namin hinahanap. It’s just that kung darating, darating. Mas nagwo-work ang love pag hindi pinipilit.

Marvin and Jericho, rivals na raw kayo. It started with Tanging Yaman where people were debating who was the better actor...
K: Never! Talagang puro never daw ang sagot! Ay hindi pala ako ang tinatanong!
J: Ang dami-dami dyan eh. Kung may rivalry sa business ngayon, mga sampu o sang dosena kami. Marami talagang magaling ngayon.
M: You will never compete with your brother. Ako, I will never compete with... well, I idolize him.
J: Aaargh! (Makes faces.)

What can you say about Whattamen versus Hunks?
M: Wala naman. Masyadong malayo kung ano yung Hunks at kung ano yung Whattamen.
J: Pare-pareho kami sa Talent Center. Yung shows namin puro sa ABS-CBN. Anong ‘versus’ doon?
K: Never! Hanggang ending, never pa rin daw ang sagot!* CMM

~ e n d ~

 

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com