Make your own free website on Tripod.com

NEXT SUPERSTARS NG DOS SINA JERICHO AT KRISTINE
by Purple Hans, Tsismax Magazine, Nov 2000

MARAMI ang namamangha sa trailer ng tinaguriang “teleserye” ng ABS-CBN na “Pangako sa ‘Yo.” Impressive ito at parang pelikula na ang dating in terms of scope and magnitude.

History in the making nga raw ito dahil magpapasimula ito ng bagong trend sa Philippine television, ayon sa Dos. Kung trailer ang pagbabatayan, may katotohanan ang claim na ito ng ABS-CBN.

What strikes most viewers ay ang lead stars ng teleseryeng ito na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Two promising young actors today na binibigyan ng all-out support ng Dos.

Hindi na matatawaran pa ang kakayahan ni Jericho sa pag-arte. Ilang acting awards na ang kanyang napanalunan dahil sa ipinakita niyang sensitivity as an actor kahit na baguhan pa lamang siya.

Si Kristine naman ay considered to be one of the most beautiful faces in showbiz today at dahil dito ay bet siya ng Dos for stardom. Dahil sa laki ng teleseryeng ito, mula sa cast, direction at sa kabuuan nito, malaking challenge ang hinaharap ng dalawang lead stars. Dito nakasalalay ang kanihang future sa showbiz.

Wala pa kasing track record ang dalawa kung sa paghatak sa fans ang pagbabatayan. Mayroon silang supporters pero kung ikukumpara sa mga naunang na-build up na stars ng Dos gaya nina Johina Magdangal at Marvin Agustin at Claudine Barretto at Rico Yan, malayo pa sila sa mga narating ng mga nabanggit na stars.

Batay sa mga nakapanood ng ilang eksena sa teleserye, ito umano ang magdadala sa tugatog ng tagumpay kina Jericho at Kristine. After the teleserye, handa na siha to go big time halo na sa movies.

Mapanghamon ang papel na ginagampanan nila at hindi lamang pa-sweet ang ipinakita nilang acting dito. Maganda ang chemistry ng dalawa kung kaya natsitsismis siha na mayroong nabubuong romansa between them.

But that is beside the point. Maaaring gimik ito to drum up interest sa teheserye at kung totoo man ito, added bonus na ito sa mga fans.

Ang mahalaga ay makapag-deliver sina Jericho at Kristine hindi lamang artistically kundi commercially. Kapag naging matagumpay ito, halo na sa ratings game, maihahanay na sila sa mga future superstars ng showbiz at masasabing their time has arrived. T

~ e n d ~

 

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com