Make your own free website on Tripod.com

JERICHO TALKS ABOUT KRISTINE
Super Teen mag, Sept 20, 2001

Speechless si Jericho nang tanungin namin siya tungkol kay Kristine Hermosa. Wala ngang masabi ang aktor dahil simulang maging magkaibigan sila, wala pang palpak. "Because we give importance sa bawat isa. Kapag gusto mo ang isang tao, you will love it as your best friend." sabi pa.

Hindi nga raw siya nagdalawang-isip nang alukin siyang maging escort ni Tin sa kanyang debut. "I like her very much, she's the girl I wanna marry. Sana nga, pagdating ng right time na ligawan ko na siya, sagutin niya ako. Siya ang gusto ko."

Ano nga bang meron si Tin na wala sa ibang babae?

"She's of good moral character. Mabait, determinado, hard working lady. Marami siyang pangarap. Hindi lang puro ganda, malalim siya as a person."

Hindi ba siya nag-attempt na ligawan si Tin?

"Well, kung liligawan ko naman siya, she'll not answer me dahil in love sa kanyang career baka paghintayin niya ako ng matagal. Ang sa akin naman kasi, kuntento na ako na makita ko siya araw-araw dahil nga madalas siyang kasama ko sa trabaho, okay na 'yun aside siyempre sa frequent naming tawagan sa cell phone."

Hindi ba siya nagseselos kapag merong napapabalitang merong nanliligaw kay Kristine?

"Hindi dahil secured ako, kumbaga, alam kong she'll not going to entertain suitors right now dahil busy siya. At alam ko na kapag nag-BF siya, iko-consider niya ang feelings ko for her," tawa niya.

Ganon ba siya kasigurado?

"Yeah sure ako na kahit papa'no, kung hindi man niya ako sagutin sakaling manligaw ako sa kanya, bibigyan niya ako ng chance or ipapaalam niya na meron na siyang BF, 'di ba? Sa araw-araw ba naman na lagi kaming magkasama, hindi ko malalaman na meron siyang special someone, di ba?"

Sakaling maging GF mo na nga si Tin, anong balak mo?

"Siyempre, kapag right time comes na kami na nga, I will treat her as a princess ng buhay ko. I mean, pakakasalan ko siya. Kaya nga right now, sobra ang pagsisikap kong magkaroon ng maraming pera at investments dahil sa future ko na sinuman ang babaeng pakakasalan ko, hindi maghihirap," Ecko said in closing.

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com