Make your own free website on Tripod.com

Catching up with Jericho
Star Studio, Nov 2000

He does not strive to be muscular, he just wants to be lean -- like Bruce Lee.

He’s keeping fit by pretending he’s Forrest Gump; he’s going to try out action soon; and he’s definitely looking for someone to love. These and many more answers to the question: what’s Jericho been up to lately?

How do you keep fit?

Regular work-out. Lately nag-start ako mag-surl. Exercise, jogging, ganoon! Chicks... (Nakakapayat ba yon?) Ang chicks? Oo, masakit sa ulo yon eh. Ac- tually, ayoko naman kasing magpalaki ng katawan; gusto ko payat. Kung mas maliit nga lang ako ang gusto ko talaga parang Bruce Lee ang dating. Lean lang, hindi maskulado.

What about food?

Actually meron akong problema sa pagkain. Hindi ako nakakakain ng chicken. Lately nag-develop ako ng allergy sa chicken. So ang hirap mag-diet kasi limitado ako. So I just go for fish, steamed... beef minsan. Pag hindi ko talaga matiis, kahit ano kinakain ko. Bahala na, lahat ng taba kinakain ko. Tinatakbo ko na lang nang tinatakbo.

How often do you get to run?

Every taping. Pag break time ng Munting Paraiso at Oka Tokat, kaming dalawa ni Direk Ricky (Davao), mga 45 minutes. Kung saan man ang location —minsan sa Loyola Heights, minsan sa White Plains, kung saan-saan kami inaabot. Kahit nga may location, pag sa biyahe, part of the trip tinatakbo ko. One time, yung last five kilometers papuntang Cagayan pi nag-tripan ko. Tinakbo ko yon. Tapos pagdating sa location, log yon eh, swimming naman. (Hindi ba pasma ang abot mo doon?) Hindi, hindi... Gusto ko yung tumatakbo na ... hindi sa tracks, kundi sa labas talaga. Feeling ko Forrest Gump ako. So lahat ng tao kumakaway. Kumakaway din ako.

May mga comments na bagay ka raw sa action. Mag-a-action ka nga ba?

May gagawin kami ni Direk Lauren (Dyogi). Medyo action to... Experimental. Halo-halo ito, may drama. Bagets na gangster.

What is your type of girl?

Gusto ko dentista. (Ano bang klaseng type yon?) Ha-ha-ha. Ang type ko, sa physical... extremes eh. Pag maputi, gusto ko maputing maputi. Pag maitim, gusto ko, tan na tan. Actually, mahilig ako sa mata--yung expressive eyes. Yung hindi na nagsasalita, makukuha ka na sa mata. Gusto ko rin chinita. Either chinita or mapungay na mapungay. Gusto ko medyo matangkad; pero mas matangkad ako ng konti. Mga 5'5". Sa hair, extremes din ako. Pag long hair, long na long; pag short, short na short.

What about the non-physical traits?

Sa ugali naman, gusto ko yung kalma. Ayoko ng nangha-harass. Alam mo yon? Yung mamwe-wersa? Gusto ko kung ano yung ugali ko, yun din ang ugali niya... Kasi kalmado lang ako. Cool --cool lang kami, yon ang gusto kong ugali. Gusto ko rin sweet, pero funky. May pagka-tarantado ng konti; pero nasa lugar. Matino, mabait, marunong gumalang.

Di ba sporty ka? Gusto mo rin sporty?

Medyo. Tipong, o puwede ba tayong mag-surf? Eh di, go!

What's your first love like?

First love ko, matagal na. Mga... grade 6? (So paano nag-end?) Wala, iniwan ko eh, nag-transfer ako ng school eh. Pinabayaan ko na lang na nagnga-ngangawa...ha-ha... (May kasamaan ka pala?) Hindi, seriously, hindi talaga ako nakapag-paalam. Hindi pa naman uso ang beeper at cellphone non. Mga bata pa kami. So ako rin, ngal-ngal din ako sa probinsya. (He transferred from Manila to Bicol.) Iniyakan ko rin naman... Nasaan na kaya siya ngayon? Siguro may asawa na, at may anak na...

May lovelife ka ba ngayon?

Wala. Naghahanap nga eh. Wala ba diyang magpri-prisinta?

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com