Make your own free website on Tripod.com

SEXY CHAT WITH HUNKALICIOUS JERICHO ROSALES
Teen Stars Magazine, July 18, 2001
by Alan Diones

Guwaping, simpatiko, ma-appeal, maganda ang katawan, tarna ang tindig, tikas at taas, may sense of humor at higit sa lahat, isang tunay na aktor. Yan si Echo. O, di ba? Talagang wala ka nang hahanapin pa!

He's definitely one hunk of a guy...and more! 

As Angelo, ang rebel without a cause teener na bida sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo with loveteam KRISTINE HERMOSA, ay mas lalo pang dumarami ang humahanga at naiinlab kay Jericho.

He also plays Albert, ang mabait na anak at kuya sa family-oriented show na Ang Munting Paraiso. Shifting from one character to another is no sweat for him 'coz he's a natural born actor. A versatile and gifted artist. Proof to that ay ang numerous awards and recognitions he's already received in his young career.

And this guy has more up his sleeves. Aside from doing the Star Cinema movie Mindanao with his idol CESAR MONTANO under ace director MARILOU DIAZ-ABAYA, wrapping up work for the youth pic Trip, and endorsing Walker Briefs, he's now regularly seen in ASAP as a member of the hot male quintet called The HUNKS!

With hunky buddies PIOLO, DIETHER, CARLOS and BERNARD, Echo morphs into an energetic concert artist who sings and dances, capturing more and more girls' hearts the minute he performs.

But now, let's put the spotlight on this hunky surf dude as we get sexy and naughty with him in this sizzling hot chat. Here's Echo for you...enjoy!!!


What's your definition of a hunk?

"Ang personal kong definition no'n is kung papa'no mo dalhin 'yung sarili mo. When people look at you as a hunk, tinitingnan nila 'yung physical features mo, di ba? Kasi kung malaki nga ang katawan mo, lousy ka naman, walang dating 'Yung 'dating ang pagiging hunk."

How does it feel being called a hunk?

"Siyempre proud ako kasi from being tingting ang katawan at patpatin, eh, okey na 'yung katawan ko ngayon. At least now, I'm proud of my body and I'm disciplined. Ang sarap pala ng feeling na okey ka sa pananamit mo, okey ka sa mga kilos mo. So, wow! Iba na 'yung dating ko." (Smiles)

Do you enjoy being tagged as a hunk?

"Of course! Because of the great feeling that it gives me..."

How do you keep a hunky body?

"I workout and I do watersports like surfing. Sa gym ako nagwo-workout pag may free day ako. I do running, nagwa-war games din ako, pero siyempre number one 'yung surfing. Nagha- hockey rin ako and basketball, pero mas madalas 'yung surfing."

What's your diet like?

"I don't diet, depende lang kung may kailangan akong paghandaan na role or something. Right now, tinatamad akong mag-diet, gusto kong kumain nang kumain. Pero 'yung walang masyadong fats. Protein rich foods lang like fish. Pero pampa-buff ko 'yung lean meat like beef. Kung gusto mo namang mag-diet, panay fish lang and chicken, less rice."

What's the sexiest part of your body?

"I think my upper body, kasi proportioned siya, eh. Like my shoulders, because of surfing, medyo lumalapad siya. Hindi naman ako nagpapalaki ng katawan, eh. Hindi talaga! Sabi nga nila, 'yung tipong 'pangkama' raw ang katawan ko. Ganu'n 'yung dating. Ha! Ha! Ha! Ha!"

If you can change one part of your body, what would it be?

"Ayoko nga! Okey na 'ko dito. Wala. Ah, well, siguro 'yung muscle ng legs ko, iwo-workout ko ulit kasi medyo humina siya dahil sa operasyon ko (from an injury). Siguro I'd just workout more para mas ma-devetop pa ang whole body ko..."

Rate your hunkiness from 1 to 10.

"I just can't rate myself. Siguro neutral lang, mga 5! Kasi kuba ako, eh. 'Yun pala ang gusto kong baguhin. 'Yung back ko, gusto kong ma-straighten up, kasi may back problems ako, eh.

"O sige na nga, sabihin nating 8 ang rating ko. Kasi sometimes I feel na may pagka-naughty ako na parang minsan gusto kong makipaglaro sa mga tao lalo na pag kumakanta 'ko. Pero for fun lang naman. Hindi naman talaga 'ko manlalandi ng mga tao, di oa? Parang nangungulit o nanti-tease ka lang..." (Grins naughtily)

What's the best part of being a hunk?

"'Yung mga girls na humahanga sa 'yo. Kasi parang nadadagdagan 'yung pagkalalaki mo, eh. Hindi naman actually 'yung admirers, but it's the feeling that it gives you. Nabu-boost 'yung morale mo and it gives you confidence. At siyempre pag may confidence ka, it gives positive results. At ang ibinibigay ng positive results, eh, happiness, di ba? So okey ka."

Name three hunks you admire or idolize.

"Number one, BRAD PITT. Kasi sobrang idol ko yun, eh. 'Yung ganu'ng istilo ng pagkilos, ganu'ng istilo ng pag-arte. Local? CESAR MONTANO. Kasi lalaking-lalaki, eh. Parang kapareho ko rin na lagi lang naka-jeans na tipong mahilig din sa dagat, gano'n. Last?

Name three sexiest women for you.

"Si RENEE ZELLWEGER, kasi ang ganda ng mata! Si ANGELINA JOLIE, kasi ang ganda ng boobs, ng lips 'tsaka 'yung mata. Tapos si CHARLIZE THERON, kasi ang ganda ng puwet no'n, eh!"

What's your biggest turn-on?

"Nice butt. Pear-shaped boobs. Alam mo 'yon? Ha! Ha! Ha! 'Tsaka nice feet at magandang mata. Okey na 'ko do'n!"

How does it feel being adored and fantasized by a lot of women?

"Nagkakaro'n ako ng kaba pagdating sa gano'n, kasi meron din akong show na Munting Paraiso, di ba? I have this image there na wholesome 'coz it's a family show. But being fantasized, sometimes it's a great responsibility, kasi if you wanna stay that way, you have to maintain it, di ba? But the best part of it is being admired. And you have the power to influence people if you do good things. You have followers, so maganda 'yung susundan nila. 'Yun ang gusto ko talaga, to be a good influence!"

How do you deal with indecent proposals?

"Just live with it, just let it pass. 'Yun lang. I don't take it negatively na parang ikakababa ng pagkatao ko. Kasi yung tao na 'yun naman ang nag-iisip na ganu'n o ganito ako, eh, di ba? As long as hindi ako maaapektuhan. Pero balewala sa 'kin 'yung gano'n. Just simply say no. You're a free man. If you're a free man, you can say no, wala nang reason-reason pa. But do it politely."

Do you go for one-night stands?

"Oo naman! Bakit naman hindi if it will happen, di ba? Hindi naman sa pabor ako, pero basta ba hindi ka makakasira ng buhay, di ba? 'Yung nangyari sa 'kin, incidents like that happen. Lalaki lang po ako at nagkakamali rin ako. Pero part of my journey 'yon, eh, di ba?

"But the best siyempre kung may love, ilulugar mo dapat ang sarili mo. Be safe. 'Wag kang mang-abuso dahil may tinatawag na karma, eh! Ingatan mo ang sarili mo. Kung sa tingin mo, eh, hindi mo 'yon kayang gawin, 'wag mong gawin. Kung kaya mong i-handle, gawin mo. Depende 'yon sa paniniwala mo."

How do you feel when people look at you as a sex symbol?

"I don't know, but it puzzles me lang to think what's on people's minds. I wonder kung anong nasa utak ng mga tao, di ba? Nae-excite din ako sa ganu'ng idea. Ano kaya at gaano kaya kalayo ang tinatakbo ng utak ng mga taong 'to? Du'n ako interesado, eh. Okey sa 'kin 'yon. Hindi ako nade-degrade do'n. Kung masyado kang sensitive siguro made-degrade ka, sa 'kin okey lang!"

Would you pose for a nude painting session?

"Yup! But it depends on me, kung gusto ko na. Pero ngayon ayoko, hindi naman kailangan, eh. Pwede ko namang tingnan sa salamin parati, eh. Pero kung magiging malaking tulong ang katawan ko sa industriya ng art at kung siguro may malaking magagawang pagbabago ang paghuhubad ko sa pagpipinta nila, eh, bakit hindi di ba? Okey lang ako do'n."

ho was the last person who saw you naked?

Tropa ko! Mga locals du'n sa La Union, nag-surf kami, tapos nagtakbuhan kami sa dagat nang nakahubad! Panay lalaki, mga brusko lahat kami. Gabi 'yon, months ago lang. Kasi usually nagbo-bonfire kami, di ba? Kulitan lang, tapos 'yun, nagtakbuhan kami nang hubad! Minsan lang 'yon, trip lang! He-he!"

Is being a hunk synonymous to being a real macho guy ?

"Hindi naman din. Kasi merong iba na ang tingin nila hunk, pero may 'sabit' din, eh! Alam mo 'yon? Depende rin 'yan. Actually even 'yung macho, hindi naman synonymous sa pagiging tunay na lalaki, eh. Meron ngang macho gays, di ba? So depende rin talaga."

Are you comfortable taking your clothes off in public?

"Oo naman! Okey lang 'yon. Pero hindi lahat-lahat, ha? Basta ang tanong lang diyan, handa ka ba sa mga kritiko? Wala ka bang pakialam sa puwedeng sabihin nila? Nasa sa 'yo naman 'yan, eh. Normal lang 'yon. Kung kami nga minsan, tumatambay kami sa kanto nang walang T-shirt, naka-shorts lang, eh. So wala 'kong problema sa gano'n. Basta 'wag mo lang laswain ang sarili mo dahil may publikong nanonood. So, siguro willing akong mag-boxer shorts in public, pero hanggang du'n lang!"

~ e n d ~

 

 

 

Disclaimer: The fan site is very unofficial. The author is not connected in any way with jericho rosales
and kristine hermosa. They don't know who I am and I have never met them in person.
If there is any material here that you think should'nt be here, please inform
me and i will remove it asap. Thanks for visiting.
My email is piper0880@yahoo.com